{31} SHOULD I CALL?

198 20 40
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Inaantok na'ko." Bulong ni Taehyung habang nag-iinat-inat ng katawan. "Deh, matulog ka. Wala namang pumipigil sayo." Sabi ni Theo saka na dumiretso sa kwarto nito. Hikab pa ito ng hikab habang naglalakad.

"Buti na lang nagustuhan ni Eunyse yung bulaklak." Nakangiting sabi ni Taehyung bago sumandal sa railings ng veranda. Hindi pa naman ganun kalalim ang gabi kaya nakikita nya pa ang mga tauhan nila na paroo't parito sa labas. Nakita nya pa si Doc Khael na kausap na naman ng Tito nya.

"May malala bang sakit si Tito? Bakit kaya parati nya na lang kausap si Doc Khael?" Tanong nya sa sarili habang nakamasid dito. Umalis na ang kotseng sinasakyan ni Khael saktong lumingon sa gawi nya si Raxius. Ngumiti sya kahit di sya sigurado kung naaaninagan sya nito.

Bahagya lang itong tumango saka na pumasok sa loob ng bahay. Naglakad na rin si Taehyung patungo sa sarili nyang kwarto. Binagsak nya ang sarili sa malaking kama habang nakapikit.

"Hay, ang sarap sa pakiramdam." Sabi nya pa habang hinuhubad ang sapatos nya. Nung ihuhubad na nya ang blazer nya ay naalala nya ang tissue'ng nasa bulsa nun. Mabilis syang napadilat at umupo sa kama. Hinubad nya ang blazer nya saka kinuha ang tissue.

"Okay. Tawagan ko kaya sya?" Bulong nya habang nakatitig sa number. "Pero--- masyado na siguro kong nakakaabala kapag tumawag ako. Hmm. Wag na lang siguro." Dagdag nya pa saka ibinaba ang tissue sa bedside table. Nagpalit sya ng damit na pantulog at walang kagana-ganang humiga sa kama.

"Inaantok na'ko pero bakit di ako makatulog?" Asar nyang bulong habang paikut-ikot sa kama. Kinuha nya ang cellphone nya kasama ang tissue. "Hays, bakit ba gusto ko syang tawagan? Ano namang sasabihin ko?" Tanong nya sa sarili at napailing.

"Kanina ko lang sya nakilala pero---aish! Matawagan na nga lang para makatulog na'ko." Sabi nya saka sumandal sa headboard ng kama. Isa-isa nyang tinype ang number na nasa tissue saka pinindot ang call. Mabilis nyang tinapat iyon sa tenga nya at narinig ang pag-ring sa kabilang linya.

"HYUNGIE!" Muntik na nyang mabitiwan ang cellphone sa lakas ng pagsigaw ni Jungkook sa kabilang linya. "Paano mo naman nasisigurong ako to?" Tanong ni Taehyung habang nakaangat ang isang kilay.

"Ikaw lang ang hinihintay kong tumawag. Kanina pa'ko nakatulala sa harap ng cellphone ko at hinihintay ko yung tawag mo. Mabuti na lang at tumawag ka na! Masaya ako." Excited na sabi nito kaya napangiti si Taehyung.

"Bakit ganyan ka ka-excited na makausap ako? Paano kung bukas pa pala kita tatawagan o sa makalawa o sa susunod na linggo? Deh, mukha kang tangang naghihintay dyan." Bahagya pa syang tumawa matapos sabihin yun.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon