{01} I PROMISED

622 22 9
                                    

KIM TAEHYUNG'S POV

"HYUNG!!!!!" Napangiti na lang ako nung makita ang pagkaway ni Jungkook mula sa malayo. Nakatayo sya sa tapat ng pinto nila habang todo-ngiti samin.

Hawak ni Mommy ang kamay namin ni Jin hyung kaya di tuloy ako makatakbo patungo kay Jungkook.

"Mom, he's excited as always.." Natatawang sabi ni Jin hyung habang nakatingin kay Mommy. "Namiss lang kayo ni Kookie. Alam nyo namang only child lang sya, diba?" Sabi ni Mom na bahagya kong tinanguan.

Mabilis kong binitawan ang kamay ni Mommy at dinaluhong ng yakap si Jungkook. Sumunod naman sakin si Jin hyung at nakiyakap na rin.

"Mag-ingat nga kayong dalawa at baka madapa kayo." Sabi ni Mom habang naglalakad palapit samin.

"Na-miss mo naman ako agad?" Bulong ko kay Jungkook na paulit-ulit ang ginawang pagtango.

"Taehyungie hyung!!!" Tanging sabi nito na kinatawa ko na lang. "Mas miss mo sya kesa sakin? Napaka-mapanakit naman nitong batang to." Nagtatampong sabi ni Jin hyung

"Seokjinie, wag ka ng magtampo dyan at paniguradong miss ka na ng Tita Xyren mo" sabi ni Mommy. "Oo nga naman, Seokjinie. Alam mo namang tayo lang ang nagkakasundo sa pagluluto" napatingin kami sa nagsalita at nakita si Tita Xy na naka-apron pa habang nakangiti.

"Tita!!" Excited na sabi ni Jin hyung at yumakap sa bewang ni Tita. Natatawang ginulo ni Tita Xy ang buhok ni Jin hyung at niyakap ito pabalik.

"Natagalan yata kayo?" Tanong ni Tita Xy nung makalapit si Mom sa kanya. Nag-beso muna sila bago sumagot si Mom. "Hinatid pa namin sa airport si Arthur. Muntik na ngang di makaalis si Art dahil sa isang tigre dyan." Pagpaparinig sakin ni Mom na kinabusangot ko.

"Oo, Tita Xy, napakaisip bata nyan. Ayaw ba naman bitiwan si Dad. Akala ko nga ay papasok pa sya sa maleta ni Dad para lang di malayo si Dad sa kanya, eh" dagdag pa ni Jin hyung na kinakamot ko na sa ulo ko.

"Mom! Jin hyung! Bata naman talaga ko, eh! Ayoko talagang nalalayo kay Daddy, noh!" Halos umabot na sa sahig ang nguso ko dahil sa kanila. Tumawa lang silang tatlo samantalang si Jungkook naman ay nakatingin lang sakin.

"Halina muna sa loob. Nalimutan kong may niluluto nga pala akong merienda." Sabi ni Tita Xy habang nakayakap sa braso ni Mom. Sumunod naman sa kanila si Jin hyung na tinatawanan pa rin ako.

Bakit ba ganun na lang kalakas kung mang-asar yung batang yun? Komo mas matangkad sya ng konti sakin ay lagi na lang nya kong inaasar, iniinis at kung anu-ano pa. Hintayin nya lang talagang maging teenager ako at siguradong talo na sya sakin. -,-

"Taehyungie hyung, halika na rin sa loob." Sabi ni Jungkook at hinawakan ang kamay ko. Nagpahila na lang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa napakalaking mansyon nila.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon