{32} BOREDOM

202 20 18
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Young Master? Magandang umaga po pero kanina pa po kayo hinihintay nina Master Raxius para sa almusal." Napadilat si Taehyung nung makarinig ng sunud-sunod na katok mula sa pinto nya. Mabilis nyang hinanap ang cellphone nya para tingnan ang oras pero sa notification dumapo ang mga mata nya.

Dalawang message ang dumating sa kanya ngayong umaga. Humihikab na tinitigan nya ito. Isang unknown number at isang galing kay Eunyse.

"Good morning, Taehyungie hyung! Sana ay maganda ang gising mo. Wag kang magpapakapagod ngayong araw at ingatan mo ang sarili mo." Napangiti sya matapos mabasa iyon. Alam na nya agad kung kanino galing ang message mula sa unknown number.

"Good morning, Bun. Kagigising ko lang at talagang maganda ang gising ko, haha. Wag ka ring magpakapagod ngayong araw at mag-iingat ka." Reply nya saka naman binuksan ang message na galing kay Eunyse.

"Taebaby, kelan ka bababa? Kanina ka pa kasi namin hinihintay ni Tito dito. Gising na, Taebaby. I miss you already." Basa nya sa mensahe at agad na napangiti.

"Hays, ang galing magpakilig ng Baby Eun ko. Buong-buo na ang umaga ko." Bulong nya saktong tumunog ang phone nya. Nakita nyang ni-reply-an pala agad sya ni Jungkook.

"Mabuti kung ganun, hyungie. Have a great day ahead! Wag kang magpapaka-stress." Yun ang nakasulat at meron pang mga emoji sa dulo. Mas lumaki ang ngiti ni Taehyung habang tumatayo mula sa kama nya.

Binaba nya ang cellphone nya sa bedside table at tumayo sa tapat ng bintana. Nag-inat-inat sya matapos nyang mabuksan yun.

"Ang ganda ng simula ng umaga ko." Bulong nya saka tumakbo papunta sa banyo. Mabilis syang naghilamos at nagmumog bago tuluyang bumaba.

"Good morning!!" Masaya nyang bati at hinalikan sa ulo si Raxius. Sunod ay hinalikan nya sa pisngi si Eunyse na agad na napangiti. Umupo sya sa tabi nito at hinawakan ang kamay nito.

"Mukhang maganda ang umaga mo, ah?" Tanong ni Raxius kaya tumango si Taehyung.

"Yes, Tito. Paanong di gaganda ang umaga ko kung bumungad sakin ang message ng Baby Eun ko." Sabi nya saka nilingon si Eunyse na nakangiti sa kanya.

Dagdag na rin ang mensahe mula kay Bun.

"Kaya naman pala. Kayo talagang dalawa. Bakit di na kayo magpakasal ngayon, mukha na kayong mag-asawa, eh." Sabi ni Raxius matapos uminom ng kape. "Tanungin nyo yang Baby Eun ko, Tito. Ayaw na yata akong pakasalan. Malapit na talaga kong magtampo." Sabi ni Taehyung habang nakanguso.

"Naku, Eunyse. Pakasalan mo na yan at baka maghanap pa yan ng iba." Natatawang sabi ni Raxius. "Taebaby naman. Napag-usapan na natin to, diba? Bakit? Balak mo bang maghanap ng iba? Iiwan mo na'ko?" Mahinahong tanong ni Eunyse na agad na inilingan ni Taehyung.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon