{33} THAT BEAR HE LOVES

222 19 44
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Napakabagal mo talagang kumilos, Jeon. Binili mo ba yung buong convenience store? Gutom na gutom na'ko, oh----WHAT THE FUCK?!" Halos bumagsak sa sahig si Suga nung makita si Taehyung na kasama si Jungkook habang kumakain ng chocolate.

"Kinidnap mo si Taetae? Grabe, Jeon, di kita tinuruang maging kriminal." Sabi naman ni Seokjin habang hinihilot ang sintido nya.

"Nakakahiya kayo, tangina." Bulong ni Jungkook habang binababa ang mga plastik na hawak nila. Patuloy lang naman sa pagkain ng chocolate si Taehyung habang nakatingin sa mga kaibigan ni Jungkook.

"Hobi hyung!!! Sandwich ko yan!!" Napatingin sila kina Jimin at Hoseok na naghahabulan galing sa kitchen. Nagpaikut-ikot sila sa center table hanggang sa tumakbo si Hoseok kay Taehyung. Nagtago ito sa likod ng nagtatakang si Taehyung.

"Akin yang sandwich na yan, hyung! Wag ka ng magtago sa likod ni Taetae. Ako ang gumawa nyan, kaya akin yan!" Sabi ni Jimin saka pumunta sa likod ni Taehyung pero nakaikot na si Hoseok. "Akin na'to ngayon." Patawa-tawa pa si Hoseok nung kunin ni Taehyung ang sandwich.

"Taehyungie! Akin na yun!" Sabi ni Hoseok nung iabot ni Taehyung ang sandwich sa masayang si Jimin. "May favoritism talaga si Taehyungie. Lagi ba namang kinakampihan yung soulmate nya!" Simangot ni Hoseok pero naglabas ng chocolate bar si Taehyung mula sa bulsa nya saka ito tahimik na inabot kay Hoseok.

"Wow!! Thank you, Taehyungie!!" Sigaw ni Hoseok saka niyakap pa si Taehyung.

"T-Teka.." Kumalas ng yakap si Hoseok at tiningnan ang lalaking kaharap. "Totoong nandito ka?!" Sigaw nya na kinaatras ni Taehyung.

"Bakit? Bawal ba?" Tanong ni Taehyung habang nakangiwi. "Ganyan ba talaga kalakas ang boses mo?" Tanong pa nya.

Mabilis syang hinila ni Jungkook at tinago sa likod nito. Sumilip naman sya sa balikat nito habang kumakain pa rin ng chocolate. Huminga muna ng malalim si Jungkook bago tingnan ang mga hyungs nya.

"Pwede po bang paki-normal yang mga sarili nyo? Bawal po muna ang mga abnormal at isip-bata dahil may bisita tayo. Nakakahiya kayo, tangina." Bulong pa nito habang nagkakamot ng noo.

"Waaahh!!!! So, nandito nga talaga si Taetae? Pano mo sya nadala dito? Kinidnap mo--"

"Park Jimin." Mabilis na natikom ang bibig ni Jimin nung seryoso syang tingnan ni Jungkook.

"Nagkita kami sa convenience store dyan sa baba. Hindi ko sya kinidnap, di ko sya pinilit sumama dito at mas lalong di ko pinlano ang pagkikita namin sa store kanina. Aksidente yun. Wag na kayong mag-isip ng kung ano at baka matakot pa sa inyo si hyungie. Creepy na nga kayo sa paningin nya, eh." Sabi ni Jungkook saka sinilip si Taehyung na nakatalikod na sa kanila.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon