{42} AFRAID ON LOSING YOU

243 19 37
                                    

THIRD PERSON'S POV

Napatigil sa paglalakad si Taehyung nung mamataan si Raxius sa loob ng library nito. Nakatalikod ito sa gawi nya at napansin nyang may kausap ito. Sinilip nya pa ang ulo nya sa loob at nagtaka sa nakakakilabot na atmosphere sa loob.

Sobrang seryoso naman yata nila?

"Just do what I told you to do. Baka nalilimutan mong nagtatrabaho ka sakin? Humihinga at nabubuhay ka para sakin. Nandito ka pa sa mundo dahil sakin.." Tumigil si Raxius at nilingon ang tauhan nito. Malakas nitong sinikmuraan yun na kinaseryoso ng mukha ni Taehyung.

"..kaya wag na wag mo'kong susuwayin. Kung nagkikita na pala sila at may alam na rin ang pamilya nya tungkol sa kanya--kailangan na lang natin itong idaan sa madaling paraan. Naiintindihan mo ba'ko, Tax?" Tanong ni Raxius habang gigil na nakahawak sa kwelyo ni Tax.

"Opo, Master. Masusunod po." Sabi nito kaya malakas itong tinulak ni Raxius at nagpagpag ng sarili. "Wag kang duduwag-duwag at tatanga-tanga kung gusto mo pang humaba yang buhay mo. Layas!" Mabilis na nagtago si Taehyung sa hallway at pinanood ang paglampas ni Tax sa kanya.

Nakahawak pa ito sa sikmura at mahahalatang nasaktan talaga. Seryoso nyang tiningnan ang nakasaradong pinto ni Raxius. Nag-cross arms sya at sumandal sa pader. Nakatitig lang sya ng ilang segundo dun bago umayos ng tayo.

Nagkibit balikat na lang sya saka tumuloy pababa ng hagdan. Tumungo sya sa kitchen at binuksan ang fridge, napatigil pa sya nung hindi makita ang paborito nyang strawberry jam.

Dun nya lang na-realize na wala nga pala sya sa unit ni Jungkook. Wala syang maaabutang banana milk at strawberry jam sa fridge dahil nasa mansyon sya. Napangiti na lang sya habang umiiling.

Nasasanay na talaga kong kasama sya.

Kumuha na lang sya ng mansanas at kinain yun habang naglalakad palabas ng mansyon. Mabilis nyang sinalo ang bola ng baseball na tatama sana sa ulo nya. Nilingon nya ang mga naglalaro sa gawing dulo na halatang gulat na gulat pa.

"Bato mo dito, Tae!!" Sigaw ni Eroz na kinairap nya na lang. May hawak pa talaga itong baseball bat. "Bakit sa gawi ko pumunta to? Sinong tanga naman ang bumato nito?" Tanong ni Taehyung.

Tunay na napakalayo ng mga naglalaro sa pwesto nya kaya nagtataka sya kung paanong sa gawi nya lumipad ang bola. "Tanga kasi si Eroz, Tae. Di nga yata marunong mag-baseball yan,eh." Natatawang sabi ni Theo na syang sasalo dapat ng bola.

Lumapit si Taehyung at ninakaw ang bat sa kamay ni Eroz. "Ako muna." Ngumisi pa sya dito na napakibit balikat na lang. Umalis ito sa laro at uminom ng tubig. Pinanood na lang nito ang nagsisimula pa lang nilang laro.

Nagsimula na sila sa paglalaro na di na nila halos napansin pa ang oras. Napahiga na lang si Taehyung sa damuhan dala ng pagod ganundin sina Theo at Eroz na syang kalaro nya. "Galing mo, Tae." Sabi ni Eroz.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon