KIM TAEHYUNG'S POV
"Malapit na tayo." Sabi ni Jimin habang tinatanggal ang putik sa kamay nya. Kung di ba naman tanga to deh sana di sya na-shoot sa putikan. Peach na t-shirt pamo ang suot nyang pang-itaas at puting shorts naman sa pang-ibaba. Di na'ko magugulat kung si Tita Suzy mismo yung magpaparusa dito.
"I have a great idea!!" Sigaw ni Jin hyung saka pa tumigil sa paglalakad at humarap samin. Napapreno tuloy kaming tatlo at tiningnan sya.
"Ano yun?" Tanong ko. "Wag na muna tayong umuwi!!" Pumalakpak pa sya na para bang sobrang ganda ng ideya nya. Nagkatinginan kaming tatlo.
"Takot na nga tayo dahil sinuway natin sila tapos may susuwayin na naman tayo? Baka naman paluhurin tayo ni Mom nyan sa asin?" Tanong ko.
"That's the point. Mapaparusahan din naman tayo. Bakit di pa natin sagarin? Tumuloy na tayo sa bukid saka dun naman tayo maglaro!!" Excited na sabi ni Jin hyung.
"Hyung naman. Nadudumihan na'ko sa sarili ko, oh. Marami pa namang oras para dyan sa bukid." Sabi ni Jimin habang kinakamot ang madumi nyang siko.
"Di natin nasisiguro ang parusa ni Mom. Pano kung grounded tayo ng one week? Edi di na natin mapupuntahan yung bukid. Ayaw nyo bang pakita kay Kookie yun?" Tanong ni Jin hyung kaya bigla akong napaisip.
Kapag naisipan ni Mom na i-grounded kami ng isang linggo ay hindi ko na maipapasyal si Kookie sa bukid sa kabilang parte ng lupain. Mas maaliwalas pa mandin ang lugar dun.
"Okay, let's go--"
"Wait? What?! Pumayag ka talaga sa worst idea na yan, Tae?" Tanong ni Chim habang nakatingin sakin gayundin si Kookie na mukhang nalilito pa.
"Yey!!! Wag ka ng magdalawang-isip aking pinakamamahal na kapatid, halika na bilis!!" Sabi ni Jin hyung saka pa yumakap sa braso ko. Tiningnan ko si Chim na napailing na lang.
"Park Jimin, kung gusto mo ay pwede ka namang mauna na sa mansyon. Mas magaan ang parusa mo, for sure." Payo ni Jin hyung na di ko alam kung nakatulong ba o mas kinasira lang ng mood ni Chim.
"Kasi, Chim, ganito yan. Tama naman si hyung, kung mapaparusahan lang din naman tayo, bakit di na natin sagarin ang kasalanan? Paano kung hindi na tayo palabasin nina Mom dahil sa pagsuway natin? Deh di na tayo makakarating sa kabilang parte." Pang-susulsol ko pa kaya napakamot si Jimin sa noo nya
"Napaka-demonyo nyo talaga." Sabi ni Chim na kinangisi ko. "Halika na nga." Dagdag nya pa at nanguna na sa paglalakad. Binitiwan ako ni Jin hyung at sumunod kay Jimin na halos umabot na sa sahig ang nguso.
"Hyung?" Nilingon ko si Kookie na mukhang takang-taka pa rin. "Di pa tayo uuwi? Paano kung magalit satin si Tita Eanne? Di ba nangako kayo ni Jimin hyung?" Pangungunsensya nito na kinaiwas ko ng tingin.
BINABASA MO ANG
SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]
Romance"Natatakot na'ko sa salitang promise, hyungie." Sabi ni Jungkook at napailing na lang. "Then let me change your point of view when it comes to promises. Let me heal your trauma..." Huminga ng malalim si Taehyung. "I promise that I'll stay, I will ne...