{28} ON THE OTHER SIDE

195 16 41
                                    

THIRD PERSON'S POV

"NOODLES!" Sabi ni Seokjin habang may hawak na malaking bowl. Mabilis na napalingon sa kanya ang lahat kahit na si Jungkook na abalang-abala sa pagbabasa ng aklat. "AAHH!! PENGE!!" Sigaw ni Hoseok kaya muntik pang madapa si Seokjin sa gulat.

"Tangina, kalma naman. Muntik ng mapunta sa sahig ang pinakamamahal kong noodles, eh." Reklamo ni Suga habang nakaupo na sa harap ng center table. "Mag-ingat ka, Jin hyung. Sayang mukha mo, kung sahig lang makikinabang." Sabi naman ni Jimin habang pinipindot ang remote ng TV.

"Oh, halika na. Upo, bilis. Kumain na muna tayo." Sabi ni Seokjin habang inaaya ang mga kasama nya sa living room. Nagkanya-kanya naman ng lapit sa kanya ang mga kasama nya. Nanatili pa ring nakaupo sa tabi ng bintana si Jungkook at muling inabala ang sarili sa pagbabasa.

"Kookie, halika na muna dito. Mamaya mo na ipagpatuloy yang pagbabasa mo. Kain na muna." Sabi ni Jin na bahagyang kinalingon sa kanila ni Jungkook.

"Di pa man ako gutom, hyung. Mamaya na lang siguro." Tanging sagot nito at muling binalik ang mga mata sa aklat. "Kookie, di mo pwedeng laktawan ang pagkain dahil graduating ka na. Alam kong mahirap ang pag-do-doktor kaya pahinga muna. Kaya nga tayo umuwi dito sa probinsya para magbakasyon kahit three days lang. Ipagpaliban mo na muna yan." Sabi ni Namjoon na kinabuntonghininga ni Jungkook.

"Di pa talaga ko gutom, hyungs. Itabi nyo nalang muna yung akin." Huling sabi nito at naglakad palabas ng mansyon hawak ang aklat nito. Nasalubong pa nito sa pinto ang Lola Ela nila na may hawak na basket ng gulay.

"Kookie--"

"Magandang umaga po. Sa labas na po muna ko." Magalang at mabilis nyang sabi dito kaya napatango na lang ito. Nilampasan na nya ang matanda kaya napatingin ito sa mga taong nakatambay sa living room. Napailing na lang si Seokjin.

"Akala ko ay makukuha ko ang atensyon nya gamit noodles." Sabi niya. "Gusto nya lang siguro talagang mapag-isa para mag-aral. Hayaan nalang muna natin----hoy, Jimin! Shet ka! Wag mong ubusin!" Sabi ni Hoseok na tinawanan lang ni Jimin.

"Hays, nasaan na ba kasi si Taehyung-ah. Sya lang naman yung hinihintay ng kunehong yan para bumalik na yung ugali nya sa dati." Sabi ni Suga na sinang-ayunan ng lahat.

"Maski nga sina Dad ay di na malaman kung saan hahanapin si Taetae. Miss na miss ko na sya. Kahit naman palamura at mataray yun, kapatid ko pa rin yun." Sabi naman ni Jin habang nakatitig sa noodles nya

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon