|Sealed Promises|
THIRD PERSON'S POV
"Teka, wala ng shanghai?!" Halos maibuga ni Taehyung ang iniinom nya nung sigawan sya ni Jimin. "Kelan ka ba nakalunok ng microphone, Park? Taena, lakas ng boses mo, makabasag-eardrum." Nakangiwing sabi ni Taehyung samantalang iniikot naman ni Jimin ang tingin nito sa napakahabang mesa.
"Nasaan yung shanghai?! Gahd, Taehyung! Di pwedeng di ako kakain nun. Nasaan yun?!" Singhal nito at nakuha pang yugyugin si Taehyung na napahawak sa balikat ni Jimin.
"T-Teka, b-bitaw. F-Fuck, nahihilo ko--"
"Chim, anong ginagawa mo sa asawa ko?" Tanong ni Jungkook at hinila si Taehyung palayo kay Jimin. Ilang beses na pinilig ni Taehyung ang ulo nya para mawala ang nadadama nyang hilo. "Bakit mo niyuyugyog si Tae?" Tanong din ni Suga na kasamang dumating ni Jungkook.
"Yung shanghai ko, Sugababy. Di nila ko tiniran. Di makatarungan yun. Yun lang ang dahilan kaya ako nandito." Sabi nito kaya napailing si Suga. Sinuri nya ang mukha nito at nahalata nyang kakakain lang nito ng iba pang handa.
"Buntis ka ba? Bakit lagi kang may mood swings at lumalakas kang kumain?" Out of the blue nyang tanong kaya nakatanggap sya ng hampas kay Jimin. "Ay,gago? Lalaki ako tapos mabubuntis ako? Imposible yun! Kulitin mo na lang yung nagseserve dito. Magpagawa ka ng maraming shanghai." Sabi ni Jimin saka kinaladkad ang na-s-stress ng si Suga.
"Are you okay?" Tanong ni Jungkook kay Taehyung na tumango naman. "Malapit na'kong maniwala na buntis yung isa na yun." Napapailing na sabi ni Taehyung. Umayos sya ng tayo at tiningnan ang nakangiting si Jungkook.
Birthday ngayon ni Taehyung kaya nandito sila sa beach. Yun ang napili nyang lugar para ganapin ang birthday party nya. Kanina pa nagsimula ang party at dumating na rin ang mga inaasahan nilang bisita.
"Mamaya na yung regalo ko, Taebear. Alam kong magugustuhan mo yun." Kumindat pa si Jungkook samantalang busy'ng busy naman si Taehyung sa pagbubutones ng damit ni Jungkook.
"Bakit nakalantad yang katawan mo--"
"Nakalantad din naman yung sayo." Singit ni Jungkook kaya napatingin si Taehyung sa sarili nya. Nakabukas ang unang tatlong butones ng damit mya pero kay Jungkook, nakabukas lahat. -_-
"Gago, lantad na lantad kaya yung sayo. Kaya pala kanina ka pa tinitingnan nung mga tauhan ng resort na'to. Bakit ba di mo ibutones to? Gustong-gusto mo talagang pinagtitinginan ka, noh?" Reklamo ni Taehyung habang binubutones ang damit ni Jungkook hanggamg sa kwelyo nito. Lahat ng butones nito ay nakasara na, na kinangiwi ni Jungkook.
BINABASA MO ANG
SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]
Romance"Natatakot na'ko sa salitang promise, hyungie." Sabi ni Jungkook at napailing na lang. "Then let me change your point of view when it comes to promises. Let me heal your trauma..." Huminga ng malalim si Taehyung. "I promise that I'll stay, I will ne...