{10} HERE WE GO AGAIN

230 17 34
                                    

KIM TAEHYUNG'S POV

"Tahimik natin, ah?" Nilingon ko si Chim na umiinom ng juice kasama si Jin hyung na hawak pa rin ang shuttlecock at badminton.

"Wala 'kong magawa." Sabi ko kaya umangat ang isang kilay ni Jin hyung. "Talaga ba? O dahil busy lang si Kookie kay Ynah at nalimutan ka na?" Tanong nito na kinangiwi ko. Napaka-supportive at caring nya talagang kapatid. Kaya mahal na mahal ko ang Jin hyung ko, eh. -_-

"Ay, grabe, hyung. Sagaran naman yun----pero natumpak mo." Isa pa'tong pandak na'to. Napailing na lang ako at pinanood ang pagsisipaan ng bola ng ilan kong pinsan.

"Sumali na lang tayo sa kanila kesa mukha kang kawawa dyan. Puro kadugo mo ang nandito pero nilalayo mo 'yang sarili mo." Sabi ni Chim saka ako hinitak patayo. Lumapit kami kina Lewis at Bern na sigawan ng sigawan at tawanan ng tawanan.

"Oh, Jiminie. Bakit? Sali kayo?" Tanong ni Bern matapos tapakan ang bola. "Oo, game!! Masaya to!!" Sabi ni Chim saka tunakbo sa kabilang banda.

Bigla akong kinalimutan ni Pandak.

"Taetae, bakit ganyan yang mukha mo? Anong nangyari sayo?" Tanong ni Lewis. "Di kasi sya pinapansin ng kuneho nya." Sabi ni Jin hyung na kinagulat ni Lewis

"Wow! May alaga kang kuneho? Nasaan? Gusto kong makita." Nagniningning pa ang mga matang sabi nito kaya di mapigilang di matawa ni Jin hyung.

"Wala kong alagang kuneho, noh. Dapat di ka nagpapaniwala dito." Naiiling na sabi ko saka sinensyasan syang sipain sa gawi ko ang bola. "Akala ko meron. Sayang naman." Nanghihinayang na sabi nito.

Nagkanya-kanya kami ng pwesto at dun ay sinipa ni Lewis ang bola patungo sakin. Pinasa ko yun kay Jin hyung habang tumatakbo. "Dito!!" Sigaw ni Hans dahil bantay sarado nina Chim si Jin hyung.

"Sakin!" Sigaw ko rin. Sa akin pinasa ni Jin hyung ang bola. Akmang sisipain ko na yun nung ma-iblock ni Renzo kaya nasipa ko sa ibang direksyon sabay ng pagbagsak ko sa lupa. Napapikit ako nung makadama ng sakit sa pagkakagasgas ng kamay at tuhod ko sa lupa.

"TAETAE!!" kanya-kanya sila ng lapit sakin samantalang pinapagpag ko naman ang kamay kong dumudugo. "Sorry, Taetae. Napalakas yata yung block ko." Sabi ni Renzo habang tinutulungan akong tumayo.

"ARA!! Hyung!! Tinamaan ng bola si Ara!!" Nilingon namin ang gawi nina Jungkook at nakitang nakaupo si Ynah sa damuhan habang nakahawak sa ulo nya. Tumakbo dun sina Lewis at chineck ang kalagayan ng kapatid.

"Sino ba kasi yung sumipa ng bola? Wala naman sa gawi namin yung pwesto ng kalaban, ah?!" Kunut noong sabi ni Gukkie kaya napaatras ang ilan sa mga pinsan ko.

"Okay lang ako, Kookie. 'Wag mo na silang sabihan ng ganyan." Sabi ni Ynah habang nakahawak sa braso ni Gukkie.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon