KIM TAEHYUNG'S POV
"Bakit ka nga pala na-detention? Nagulat na lang kami nung sabihin ng mga Law student na nasa detention ka daw." Tanong ni Jin hyung habang naglalakad kami sa parking lot. Masamang tingin ang pinukol ko kay Gukkie na mabilis pa sa alas-kwatrong nag-iwas ng tingin.
"Bakit di nyo tanungin yung isa dyan?" Kunut na kunot ang noo kong sabi habang blangkong nakatingin sa dinaraanan ko.
"Pakshet, sinasabi ko na nga ba, eh! Park Jimin! Ano na namang ginawa mong kalokohan dito sa kapatid ko? Pasapak nga ng tatlo." Sabi ni Jin hyung at sinenyasan pa si Chim na lumapit sa kanya.
"Hyung?! Bakit ako? Sobrang sarap ng tulog ko kanina sa klase ko. Ni hindi ko nga alam na gumawa na pala ng kalokohan yang best friend ko." Sabi ni Chim na nakaturo pa sakin.
"Anong--bakit ka natutulog sa klase mo?!" Nakapamewang na bulyaw ni Jin hyung na kinaawang ng labi ni Chim.
"Bakit sakin napunta ang isyu? Di nyo pa nga alam kung bakit na-detention yung isa dyan, eh." Sabi ni Chim na kinairap ko.
"Yung isang kuneho kasi dyan, ang lakas ng loob na bumisita sa Department ko. Naghabulan kami sa hallway dahil sa katigasan ng ulo nya. Syempre ay di ko na napigilan kaya sumigaw ako. Nalimutan ko na yung hallway pala na yun ay puro pang-major subject lang at lahat ay may klase. Namura ko pa nga si Prof Martinez sa gulat." Sabi ko habang nakataas ang isang kilay at nakatingin kay Gukkie.
"Kuneho? Si Kookie lang naman ang kuneho dito--" Hobi hyung
"EXACTLY! ABSOLUTELY! CORRECTLY! RIGHTFULLY! Pakyu ka, Jeon!" Sigaw ko kaya napaatras pa silang anim. Tinago nila si Gukkie sa likod nila habang pilit ko namang tinitimpi ang sarili ko.
"H-Hoy, kumalma ka nga! Para kang sasabog na bulkan dyan.." Sabi ni Chim habang nakasilip naman si Gukkie sa likuran nya.
"Sasabog talaga ko kapag di ko natadyakan sa panga yang nasa likuran mo." Sabi ko kaya mabilis na nagtago si gukkie na pinroteksyunan naman nina Chim at Suga hyung..
"Teka, idaan nyo 'to sa mabuti, maayos, mapayapa at kalmadong usapan--" Joon hyung
"NO! FREAKIN NO!" sigaw ko muli saka humabang palapit sa kanila. Napaatras na naman sila pero biglang tumakbo sina Jin hyung at Joon hyung palapit sakin.
"Waahh!! Itakbo nyo na yang kunehong yan!" Sigaw ni Jin hyung habang nakayakap sakin. Hinila ni Chim si Gukkie patungo sa kotse nito saka mabilis na sinakay dun. Kasama nila si Suga hyung na syang nag-drive.
BINABASA MO ANG
SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]
Romance"Natatakot na'ko sa salitang promise, hyungie." Sabi ni Jungkook at napailing na lang. "Then let me change your point of view when it comes to promises. Let me heal your trauma..." Huminga ng malalim si Taehyung. "I promise that I'll stay, I will ne...