{09} HIS COUSINS

234 17 29
                                    

KIM TAEHYUNG'S POV

"Happy birthday po, Lola." Nakangiti kong sabi matapos syang halikan sa pisngi at yakapin ng mahigpit. "Salamat, Taetae. Naku, pa-kiss pa nga." Sabi nito saka hinalikan ulit ang pisngi ko na malakas kong kinatawa. Nanatili ako sa tabi nya habang tinitingnan ang pagdating ng mga bisita. "Lola Ela!!" Napangiwi ako nung malakas na sumigaw si Gukkie mula sa second floor.

Napatingin lahat sa kanya na kinapula ng tenga nya. "Haha, si Kookie talaga." Napatingin ako kay Jin hyung na may pinapapak na shanghai habang nakatayo sa tabi ko.

"Hyung? Mamaya pa ang kainan." Napapailing kong sabi sa kanya na kinaangat ng kilay nya. "Apo naman ako kaya ayos lang na mauna. Tikman mo, ang sarap ng shanghai ni Tita Elliz." Sabi nito at itinapat pa talaga sa bibig ko ang isa sa apat na shanghai na hawak nya.

"Ayoko--"

"Kagat na." Utos nito kaya kibit-balikat kong tinikman yun. Nginisihan nya ko na kinalaki ng mga mata ko. "HYUNG!!" Gulat kong sigaw na kinatawa nya ng malakas

"Mas masarap kasi to pag may hot sauce, eh. Nakalimutan kong sabihin." Halatang sinasadyang sabi nito samantalang halos mamula na ang buong mukha ko dahil sa anghang nung shanghai.

"Taehyungie--" naputol ang sasabihin ni Gukkie nung tumakbo ako ng mabilis papuntang kusina. Humanap ako ng gatas sa fridge at ininum yun. Pinakiramdaman ko kung maanghang pa rin ba ang panlasa ko at nung ayos na ay nakasimangot akong bumalik sa pwesto ko kanina.

Nakakainis. Nakakaiyak. Nakakairita.

"Hyung, anong nangyari? Bakit ka tumakbo kanina?" Tanong sakin ni Gukkie kaya masamang tingin ang pinukol ko kay Jin hyung.

"S-Sya kasi!" Sumbong ko habang nakaturo kay Jin hyung na napatigil pa nung makitang namumuo ang luha sa mga mata ko. "T-Tae, teka lang naman. Sorry naman, wag ka ng umiy--"

Naputol ang sasabihin nya nung yumuko ako at pinunasan ang mata ko. Sobrang hina ng tolerance ko sa sili o kahit anumang maanghang kaya di ko napigilang maiyak. Lagi akong inaasar ni Jin hyung pero ngayon nya lang ginawa yung sa hot sauce na yun.

"Hyung naman?! Anong ginawa mo kay Taehyungie hyung?" Asar na tanong ni Gukkie habang nakatayo sa harap ko na para bang tinatakpan ako kay Jin hyung.

"Wait, I'm sorry, okay? Pinakain ko kasi sya ng shanghai na may hot sauce. Sorry na, Taetae." Sabi ni Jin hyung kaya inangat ko ang mukha ko. Kapwa sila nakatingin sakin kaya ngumiti na lang ako

"No, I'm fine, hyung. Di ko lang expected na gagawin mo yun eh alam mo namang ayaw na ayaw ko sa maanghang. Wag ka na magalit, Gguk." Sabi ko habang pinupunasan ang ilong ko. Nakasimangot pa rin si Gukkie bago tingnan si Jin hyung na napaatras ng konti.

"Taetae, pakalmahin mo na nga yang kunehong yan. Nakakatakot, eh. Parang malapit ng mag-transform na monster." Sabi ni Jin hyung kaya hinarap ko na sakin si Gukkie. Sinenyasan ko si Jin hyung na umalis na muna at agad naman nyang sinunod yun. Tiningnan ko si Gukkie na kunut na kunot pa rin ang noo.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon