THIRD PERSON'S POV
"Okay na ba?" Nakangiting tumango si Taehyung matapos maiayos ang mga gamit nila sa likod ng kotse. Sumakay na sya sa kotse at sinuot ang seatbelt nya.
"Sa ospital ba kita ibababa?" Tanong ni Raxius nung makalabas sila sa campsite. Napaisip naman si Taehyung at bahagyang umiling. "Wag na, Tito. Sasama ko hanggang sa bahay. Gusto kong magpalit muna ng damit. K-Kelan ka nga pala pupunta sa pulis?" Naiilang nyang tanong na tinawanan nito.
"Kapag naihatid na kita sa bahay." Sabi nito kaya ngumiti si Taehyung. "I'm sad, Tito. Nalulungkot ako dahil mabuti ka naman palang tao pero binago ka ng sakit na pinagdaanan mo." Pag-amin nya na nginitian lang ni Raxius.
"Wala akong magagawa kung yun ang nakatadhanang mangyari. Wala naman tayong kapangyarihan para baguhin yun. Tao lang tayo, sumusunod sa agos ng pangyayari." Malalim na pahayag nito.
"Isa pa, alam kong hindi natutuwa ang pamilya ko sa gawain kong ito. Kung nandito sila ay baka nilayasan na nila ko dahil sa ganitong uri ng buhay na meron ako. Masyadong magulo, kumplikado." Sabi pa ni Raxius.
"Sa tingin ko ay hindi ka naman magkakaganyan kung hindi sila nawala sayo. Masakit mawalan ng taong mahal, Tito, nakakabaliw. Nagiging padalus-dalos." Sagot ni Taehyung.
"Totoo yun dahil nangyari talaga sakin. Pero kung anuman ang mangyari sa buhay ko matapos kong isuko ang lahat ay matutuwa na rin ako. Mas magaan sa loob na iiwan ko ang lahat na nasa mabuti ka ng kalagayan. Afterall, alam kong kukunin ka na ng mga Kim, di na'ko mag-aalala sayo kung sakali mang sumuko na'ko." Sabi ni Raxius na kinalungkot ni Taehyumg.
"Tito naman. Bakit ako pa rin yung iniisip nyo samantalang kayo 'tong napakalaki ng kailangang harapin?" Nag-aalalang tanong ni Taehyung.
"Tanggap ko na kasi kung anuman ang mangyayari sakin pero ikaw, di ka pa tuluyang sumasaya. Ayoko munang sumuko o umalis hangga't alam kong di ka pa na-se-settle sa maayos at masayang buhay. Ngayong nalaman ko na may mga Kim na naghihintay sayo at may isang Jeon na handang-handa kang mahalin kahit sino ka man ay handa na'kong pakawalan ka at bitiwan ang lahat. Para mo na ring akong ama, hangad ko ngayon ang kaligayahan mo." Sabi ni Raxius.
"Tito--paiiyakin mo na naman ba'ko?" Tanong ni Taehyung na tinawanan ni Raxius.
"Ikaw talaga. Ingatan mo yan." Sabi ni Raxius kaya napatingin si Taehyung sa bracelet na galing dito. Binigay yun sa kanya ni Raxius nung paggising nya kaninang umaga. Yun yung bracelet na hindi kailanman nawala sa pulsuhan ni Raxius. Halatang mahalaga yun kaya nagtaka si Taehyung kung bakit ibinigay nito yun sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/277113183-288-k926548.jpg)
BINABASA MO ANG
SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]
Romance"Natatakot na'ko sa salitang promise, hyungie." Sabi ni Jungkook at napailing na lang. "Then let me change your point of view when it comes to promises. Let me heal your trauma..." Huminga ng malalim si Taehyung. "I promise that I'll stay, I will ne...