KIM TAEHYUNG'S POV
"Guk--" naputol ang sasabihin ko nung makitang may kausap na naman sa phone si Gukkie at sobra pa ang pangungunot ng noo nya. Nakatalikod sya sakin kaya tahimik akong lumapit sa kanya at nagtago sa likod ng kurtina.
"I'm paying you to do your job well! Bakit wala kang maibigay na kahit na anong ebidensya o clue sa akin?! Akala ko ba ay magaling at matinik ka?! You've been working for months now and still----you gave me nothing!" Bulyaw nya na mabilis na kinakunot ng noo ko.
Anong pinaiimbestigahan nya? Bakit ganyan na lang kalaki ang galit nya? Sumilip ako at nakitang ginugulo nya ang buhok nya dala ng frustration.
"Fuck your excuses! Fuck your words! I don't need that! I need evidence or small clues! Ayusin mo nga ang trabaho mo." Sabi pa nito. Kating-kati na'kong lapitan sya at tanungin kung anong pinaiimbestigahan nya.
"Shut up before I kill you. Bibigyan kita ng hanggang sa dulo nitong buwan na'to. Kapag wala kang naibigay saking hint na makakapagturo sa pumatay sa mga magulang ko--malilintikan ka na talaga sakin. Nagkakaintindihan ba tayo, Izaac?" Tanong nya habang mahigpit na nakakapit sa railing ng veranda.
"Good. Ayoko ng tatanga-tangang tauhan." Sabi pa nya saka mabilis na pinatay ang tawag. Humawak sya sa railings at huminga ng malalim habang nakayuko.
"Why can't I find anything when it comes to my parents death? Bakit parang may nagtatago sakin nun? Parang may gagong pumipigil sakin na malaman ang totoo." Tanong nya sa sarili nya samantalang nanlalaki naman ang mga mata ko sa nalaman ko.
Wala man lang akong kamalay-malay na gumagawa na pala sya ng background research sa pagkamatay ng mga magulang nya. Mukhang kilala ko na kung sino ang pumipigil sa kanya at sa mga tauhan nya sa paghahanap sa katotoohanan.
Huminga muna ko ng malalim at kinalma ang sarili ko. Naglakad ako palapit sa kanya at mabilis na yumakap sa likod nya. Naramdaman ko naman ang pagkagulat nya bago mabilis na umikot at humarap sakin.
"Taebear ko!!" Masiglang sabi nito na para bang wala syang pinoproblema kani-kanina lang. Yumakap sya sakin at sumubsob sa leeg ko. "Magkasama lang tayo kanina, Jeon." Sabi ko bago kumalas ng yakap.
"Umakyat lang ako dito para sabihing magsisimula na ang dinner. Bumaba ka na dun, ah?" Sabi ko saka mahinang pinalo ang baba (chin) nya. Ngumiti naman sya bago tumangu-tango.
"Magpapalit lang ako ng damit, hyungie." Sabi nya saka na naglakad palapit sa closet nya. Naglakad na rin ako palabas ng kwarto at nagmamadaling tumungo sa guestroom. Nung makapasok ako dun ay mabilis kong sinara yun, ni-lock at pumasok sa banyo.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Dad. Tumingin ako sa salamin sa harap ko habang hinihintay na masagot nya.
"Tae? Napatawag ka?" Tanong nya agad.
![](https://img.wattpad.com/cover/277113183-288-k926548.jpg)
BINABASA MO ANG
SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]
Romance"Natatakot na'ko sa salitang promise, hyungie." Sabi ni Jungkook at napailing na lang. "Then let me change your point of view when it comes to promises. Let me heal your trauma..." Huminga ng malalim si Taehyung. "I promise that I'll stay, I will ne...