THIRD PERSON'S POV
"A-Ano po? Anong ibabalik? Kanino? Sa parents ko? Di ba ay matagal na silang patay kaya ikaw na lang ang nag-alaga sakin?" Takang-takang tanong ni Taehyung kaya bahagyang ngumiti si Raxius.
"Don't mind me. Siguro ay pagod lang ako sa trabaho na kung anu-ano ng nasasabi ko." Sabi nito. "Tito, sinabi ko naman sayong ingatan mo rin yang sarili mo. Baka mapano ka sa pagpapabaya mo." Sabi ni Taehyung kaya napangiti si Raxius.
"Noted, Tae." Sagot nito. "May sandwich dyan sa likod. Kumain ka kung nagugutom ka." Sabi nito kaya kinuha naman ni Taehyung ang sinasabi nitong sandwich. Tahimik nyang kinain yun habang nakatingin sa labas ng bintana. Pinapanood ang paglampas ng mga tao, buildings at maski mga kotse.
Tiningnan nya ang relo nya at napansing mag-aalas-tres na pala ng hapon. "Mangingisda pa rin tayo kahit hapon na?" Tanong ni Taehyung. "Hmm, yeah. Actually, I'm planning to have a camping for this night. Are you in?" Tanong nito saka bahagyang tiningnan si Taehyung.
Di nya pinahalata ang pagdududa maski ang kaba nung tingnan sya nito. Mabilis syang ngumiti dito. "Of course, Tito. Napakatagal na nung huli tayong nakapag-bonding. Kung di umalis si Baby Eun ay kasama sana natin sya." Sabi ni Taehyung na kinatawa ni Raxius
"Ipadadama mo na naman sakin na third wheel ako sa inyo. Kailan nyo nga pala balak magpakasal?" Tanong ni Raxius. Taehyung sighed as he look away. "Guess what. I need to wait for three years to have her." Hinaluan nya ng lungkot ang tono nya.
"It's worth the wait, Tae. If you really love her, you're willing to wait for her. Can you?" Tanong ni Raxius. "Yes, Tito. We've been together for how many years and I'm an idiot if I'll let her go." Kibit-balikat na sabi ni Taehyung.
Tumigil ang kotse at napansin ni Taehyung na para silang nasa isang maliit na campsite. Mayroon ding ibang naroon na kundi pamilya ay magkasintahan naman. Binuksan ni Raxius ang bintana sa gawi nya at nakipag-usap sa bantay ng lugar.
Pinagsawa ni Taehyung ang mga mata sa ganda ng paligid. Parang nasa probinsya sya, parang wala sya sa siyudad. Di nya inakalang may ganun palang klase ng lugar dun.
Matapos makipag-usap ay pinaandar muli ni Raxius ang kotse at idiniretso sa isang maluwag na parte ng lugar. Mabilis na hinubad ni Taehyung ang seatbelt nya at nagmamadaling bumaba ng kotse. Napangiti na lang si Raxius habang pinapanood ang binata.
"Ang ganda dito, Tito. Refreshing." Bulong ni Taehyung saka pinikit ang mga mata nya. Lumingon sya kay Raxius at nakitang inilalabas na nito ang mga gamit nila. Mabilis syang lumapit at tinulungan ito.
"Haha, marunong ka ba talagang magtayo ng tent, Tito?" Tanong ni Taehyung habang tumatawa. Sya kasi ang nakatokang ayusin ang ilan sa mga gamit nila at kinuha naman ni Raxius ang paggawa ng tent nila.
BINABASA MO ANG
SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]
Roman d'amour"Natatakot na'ko sa salitang promise, hyungie." Sabi ni Jungkook at napailing na lang. "Then let me change your point of view when it comes to promises. Let me heal your trauma..." Huminga ng malalim si Taehyung. "I promise that I'll stay, I will ne...