{11} WHEN HE REFUSED

230 17 29
                                    

KIM TAEHYUNG'S POV

"Balik na tayo?" Tanong ni Jimin sakin nung matapos kami sa pag-inom ng juice. Tumayo ako habang tumatango.

"Are you mad at them?" Natanong ni Jimin habang naglalakad kami palabas ng mansyon. Nagsipagyuko ang nadaanan naming mga kasambahay na abala sa paglilinis ng paligid.

"Why would I?" Tanong ko pabalik. "Malamang, napagkaisahan ka dun at walang kumampi sayo. Kung ako ang nasa posisyon mo ay di na'ko uuwi dun kahit kelan." Panunulsol nito na kinangiwi ko.

"That's childish, Park Jimin--"

"Hindi, ah. Sinasabi ko lang ang totoo. Kung ako ikaw ay di ko sila papansinin lahat." Dagdag pa nito habang sumasakay kami sa kotse. "I can't do that. I'm at fault." Tanging sagot ko.

"No--"

"Stop, Chim. Kung ako ang nasa tama ay ako ang kakampihan nila pero hindi, diba? Si Ynah ang kinampihan nila at ako ang mas nadiin. Sa tingin mo, bakit ganun ang nangyari? Kasi ako ang mali--"

"Hala, kumalma ka na nga pero di ko nagugustuhan 'yang sinasabi mo. Bilang bestfriend mo ay nasaktan ako kanina nung walang kumampi sayo. Can't you show your evil side sometimes? Kinakawawa ka dahil sa pagiging mabait mo." Sabi nito saka tumingin sa labas ng bintana.

I sighed as I look down. "I honestly don't know how to approach them especially Mom, Lola Ela, Ynah and--Gukkie." Naibulong ko habang nilalaro ang tela ng suot kong short.

"Wag mo silang pansinin lahat." Sagot nito.

"Do you think it will help? Aren't we so toxic?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya

"Nope. Hayaan mong mamiss ka nila kahit konti. They're all showing you that they don't need you especially, Kookie. Inis ka sa kanya kasi parang balewala ka na lang. Ade, ipakita mo rin na wala lang sya sayo. Gantihan lang yan, Taetae. Sinaktan ka nya, saktan mo din sya." Di ko alam kung susundin ko ba ang panunulsol ng batang to o di ko na lang papansinin.

Umiiyak si Gukkie ngayon dahil sakin, dahil iniwan ko sya. Dapat nga ay masaya ako dahil natututo na syang makipag-socialize pero di ko alam kung bakit naiinis, naiirita at nalulungkot ako.

Gusto ko syang solohin, gusto ko sakin lang sya. Gusto ko syang ibulsa at wag ng ipakita kay Ynah. And I hate this feeling. I hate this emotion that's taking over me. This is not me.

"Chim.." Bulong ko. "Bakit?" Tanong nito agad.

"I don't want to share Gukkie to anyone even though my Mom told me to take a little distance away from him. Mom told me that I should let Gukkie found other friends and not to be independent on me." Naguguluhan kong bulong.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon