---YEARS LATER---
KIM TAEHYUNG'S POV
"Dadaanan ko pa nga si Gukkie. Sasakalin kita kapag di mo'ko binitiwan!" Sabi ko habang pilit na inaalis ang kamay ni Chim sa braso ko. "Mas mahal mo pa yung kunehong possessive na selfish na madamot na seloso na yun kesa sakin na cute, mapag-aruga, mapagmahal, di ka sasaktan 24/7?" Tanong nya kaya nilayo ko ang mukha nya sakin.
"Park Fucking Jimin, tigilan mo nga ako! Bibili ka lang ng ballpen at notebook sa mall! Di ka naman batang pitong taong gulang para samahan pa!" Sabi ko habang naghihilahan kami sa gate ng college department.
"Di rin naman bata si Jeon Jungkook para sunduin mo pa sa high school department! Malaki na yun! Kaya na ngang manapak ng senior high school students!" Banat nya rin pero umiling pa rin ako.
"Ah, basta! Bitaw!! Masasapak ka rin nun kapag di mo'ko binitiwan." Sabi ko pero ayaw talaga nya kong pakawalan. "Nag-aaway na naman kayong dalawa?" Rinig kong tanong ni Hobi hyung kaya napatigil kami at napatingin sa kanila.
Kasama nya si Joon hyung na nakaakbay kay Jin hyung at si Suga hyung na busy sa cellphone nito.
"Eto kasing gago na'to. Akala mo naman mawawala sya sa mall! Nagpapasama pa sakin!" Sabi ko habang tinutulak si Chim palayo sakin.
"Mga tarantado kayo. Mga first year college na kayo pero asal elementary pa rin kayo." Sabi ni Suga hyung at lumapit samin. Pilit nya kaming pinaghiwalay at hinawakan ang mga braso namin.
"Saan punta mo at ayaw mong samahan tong pandak na'to--" Suga hyung
"Grabe ka naman sakin, Sugababy. Parang di mo'ko nililigawan, ah? Di talaga kita sasaguting pakshet ka." Sabi ni Chim habang nakanguso.
"Pupunta ko kay Gukkie ko sa high school department. Kailangan ko syang puntahan agad dahil narinig ko na haharangin sya nung mga senior high students na sinapak nya last week." Sabi ko.
"Then? Makikipagsakan ka ring bata ka?" Nakapamewang na sabi ni Jin hyung kaya napakamot ako sa noo ko.
"Bawal ba? Alangan namang panoorin ko lang sila, diba? Anong role ko dun? Taga-cheer kay Gukkie at taga-bilang ng masasapak nya? Hyung naman! Kaya nga Taehyungie hyung ang tawag nya sakin ay dahil hyung nya ako at dapat ko syang protektahan!" Sabi ko habang taas-noo pa.
"Aray!" Reklamo ko nung sapukin ako ni Jin hyung. "Lakas ng loob mong sabihin yan! Pinapaalala ko lang na nung tinulungan mo si Kookie last week ay ikaw pa ang umuwing bugbog sarado. Muntik ka pang paluhurin ni Mom sa asin, gago." Sabi ni Jin hyung
BINABASA MO ANG
SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]
Любовные романы"Natatakot na'ko sa salitang promise, hyungie." Sabi ni Jungkook at napailing na lang. "Then let me change your point of view when it comes to promises. Let me heal your trauma..." Huminga ng malalim si Taehyung. "I promise that I'll stay, I will ne...