{12} UNBELIEVABLE TRUTH

243 17 14
                                    

Pinaagang update, guyseu

KIM TAEHYUNG'S POV

"Bangon na dyan, Chim." Sabi ko habang todo-hila sa paa nya. Malakas nya kong sinipa kaya napabitaw ako ng wala sa oras. "May lahing kabayo ka ba? Bumangon ka na dyan!!" Sigaw ko pa habang kinakalampag ang headboard para magising sya.

Tinakpan nya ang mukha nya ng unan at tinalikuran ako. "Inaantok pa'ko. Ikaw na lang bumaba dun." Sabi nya na kinasimangot ko.

"Pero nandun sina Jin hyung, Gukkie at Mom." Sagot ko pero hilik lang ang natanggap ko sa kanya. "CHIM!!" Di na ito ulit nagsalita kaya wala akong nagawa kundi ang pumunta sa pinto.

"Nandun naman si Lola Ela." Pang-aalo ko sa sarili ko. Nung mabuksan ko yung pinto ay nagulat ako nung makita si Gukkie sa tapat nun. Nakaupo sya sa sahig habang nakapikit. Napadilat sya at mabilis na tumayo nung makita ako.

"A-Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko. Mabilis syang yumakap sa kin na bahagya ko pang kinaatras. "T-Taehyungie hyung, s-sorry na." Humihikbing bulong nito. Di ko sya mayakap pabalik dahil sa higpit ng yakap nya sakin.

"Kookie! Kanina pa kita hinahanap--" naputol ang sasabihin ni Jin hyung nung dumausdos pababa si Gukkie. Mabilis ko syang sinalo bago pa man tumama ang ulo nya sa sahig.

"Kookie!!" Tumakbo si Jin hyung papunta samin at chineck ang mukha ni Jungkook. Nawalan ito ng malay at sobrang putla ng kulay nya. "Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko kay Jin hyung.

"Teka, ipasok muna natin sya dyan." Sabi ni Jin hyung kaya tinulungan ko sya sa pagbubuhat kay Jungkook. Hiniga namin ito sa kama at kinumutan. Umupo si Jin hyung sa tabi ng kama habang ginugulo ang sarili nyang buhok.

"Kaninang madaling araw ay nagising yan. Iyak ng iyak tapos nung kinapa sya ni Mom at sobrang taas ng lagnat nya. Pinainom sya ni Mom ng gamot kahit ang hirap nyang patahanin. Napagod din sya kakaiyak at natulog ulit." Pauna nyang kwento habang patingin-tingin sa paligid ng kwarto.

"Tapos nagising ako kanina na wala na sya sa tabi ko. Sakin sya pinabantayan ni Mom kaya nag-alala ako. Bumaba ako sa first floor hanggang sa labas pero di ko sya nakita. Hindi pa ganun kaayos ang pakiramdam nya kaya nag-aalala ko kanina. Nakita ko syang nakayakap sayo at yun na nga, hinimatay sya." Dagdag pa nya saka ako tiningnan.

"I-I guess, you're fine now? Gukkie was a mess yesterday. He's too hard to handle." Sabi nya kaya napayuko ako.

Alam ko, Jin hyung. Alam ko kung paano sya nalungkot at umiyak dahil sa pambabalewala ko sa kanya. Alam ko kung pano sya magmakaawa sayo kagabi na dalhin ako sa kanya. Alam ko lahat, hyung.

"I should call Mom. She needs to check Kookie's condition." Sabi ni Jin hyung saka nagtatakbo palabas ng kwarto. Napatingin ako kay Jungkook lalo na sa maputla nyang mukha.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon