{29} SENT YOU A BOUQUET

191 16 41
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Bakit para kang papatay dyan?" Tanong ni Eroz kay Taehyung nung makita nya itong nakatitig sa kawalan habang kunut na kunot ang noo. "May nagawa ba'ko?" Tanong nya kay Eroz.

"Huh? Anong nagawa? Malay ko sayo." Sagot ni Eroz na kinairap ni Taehyung. "Nagtatanong ka tapos wala ka rin naman palang kwenta." Sabi nya na kinangiwi ni Eroz.

"Masama po bang magtanong? Mukha ka kasing tigre dyan. Hulaan ko! Nag-away kayo ni Eunyse, noh? Nako, yan na nga bang sinasabi ko. Kaya mas maganda pang maghiwalay na lang kayo, eh." Masamang tingin ang pinukol ni Taehyung kay Eroz na di pa rin tumitigil sa pagtawa.

"Kesa sumasakit ulo mo dyan kakaisip ng problema nyo, deh sana hiniwalayan mo na lang, diba? Deh wala ka sanang problema ngayon, dapat minsan kasi ginagamit mo ang utak mo. Wag puro puso, kaya ka nagmumukhang tanga, eh." Sabi pa ni Eroz.

"Kapag ba tinulak kita dito sa rooftop, buhay ka pa pagbagsak mo sa lupa?" Tanong ni Taehyung na kinatawa ni Eroz. "Syempre, hindi na. May pagkabobo ka pala, Taehyung. Syempre, patay na'ko pagbagsak ko sa lupa." Sabi ni Eroz saka tiningnan si Taehyung. Napaatras sya nung makitang galit na galit ito.

"Then it will be a great idea if I'll push you now, huh? Para walang maingay sa tabi ko. Para walang epal ng epal samin ni Baby Eunyse ko at para walang bitter sa mansyon na'to. Ano? Tulak na ba kita?" Sarkastikong tanong ni Taehyung na inilingan ni Eroz.

"Joke lang, Taehyung, hehe. Baba na'ko, ah? Kalmahin mo na muna yang puso at utak mo. Katakot ka, eh." Matapos nyon ay mabilis itong tumakbo paalis ng rooftop. Napailing na lang si Taehyung bago umalis sa rooftop. Nakapamulsa syang bumaba ng hagdan at nasalubong pa si Theo.

"Oh, bakit ganyan mukha mo?" Tanong ni Theo. "Di ko maintindihan si Eunyse. Bigla na lang akong inaway, tinatanong ko lang naman sya kung nakakain na sya ng almusal." Tanong ni Taehyung dito dahil mas matino naman itong kausap kesa sa napaka-bitter na si Eroz.

"Baka may period? Di ba ganun yung mga babae kapag mainit ang ulo? Bakit di mo na lang sya i-date para kumalma?" Tanong nito.

"Sinubukan ko na pero ayaw nya. Pinalayas ba naman ako sa kwarto nya tapos binato yung pinto. Muntik na'kong mabingi, Theo. Kundi ko lang mahal yun, baka nasakal ko na yun." Sabi ni Taehyung na kinatawa ni Theo.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon