THIRD PERSON'S POV
"REALLY, DAD?! MOM?!" Di magkamayaw sa pagtalon si Jungkook nung malaman ang balita sa kanya ng mga magulang. Bagama't nakangiti ay di nawala ang lungkot at takot sa mga mata ni Gerald. Nakaakbay sya kay Xyrene na pinapanood ang masayang pagtalon ng dalawang bata sa harap nila.
"Yes, Kookie. Think of it as your another birthday gift." Sabi ni Gerald saka ginulo ang buhok ni Jungkook. Yumakap ang bata sa bewang ni Gerald na kinatawa ng mag-asawa.
"Thank you, Dad, Mom!! Promise!! I will be a good boy there. I won't give problems and headaches to Tita Eanne!!" Tuwang-tuwang pangako ni Jungkook.
Ibinalita sa kanya ng mga magulang na sasama sya kay Taehyung sa bakasyon nito. Naipagpaalam na daw sya nito sa mga magulang ni Taehyung na agad namang pumayag. Sobrang saya ng dalawa dahil di naman pala sila malalayo sa isa't isa.
"Ayusin na muna natin ang gamit mo ng maipahatid ka na namin." Nakangiting sabi ni Xyrene saka hinawakan ang kamay ng anak. Akmang hihilahin na ni Jungkook si Taehyung nung magsalita si Gerald. "Kayo na lang ng Mom mo ang mag-ayos ng gamit mo ,Kookie. May sasabihin lang ako kay Taetae." Sabi ni Gerald kaya masayang tumango si Jungkook.
"Babalik ako, Taehyungie hyung!!" Sabi nito at naglakad paakyat ng hagdan. Tiningnan ni Gerald si Taehyung na ngayon ay nakatitig na sa kanya. Umupo muna sya sa sofa kasunod si Taehyung.
"Taehyung.." Paunang-salita ni Gerald. "Ano po iyon, Tito?" Tanong ni Taehyung sa kalmadong boses.
"Can you do me a favor?" Tanong ni Gerald.
"What is it, Tito?" Tanong ni Taehyung pabalik. Napahilamos na naman sa mukha nya si Gerald dahil di nya lubos maisip na ipagkakatiwala nya ang kaligtasan ng anak nya sa isang bata lang din.
Kahit na ganun ay alam nya pa rin namang mapagkakatiwalaan nya si Taehyung. Halata naman sa aura at hitsura ng bata na hindi ito basta-basta lang. Nakikita nyang magiging ligtas ang anak nya kung dito nya ito ipagkakatiwala.
Di nya alam kung ano ang meron bukas at sa mga susunod pang araw pero gusto na nyang siguraduhin ang buhay ng anak nya.
"Tito.." Pagpukaw ni Taehyung sa atensyon nya. "May problema po ba?" Tanong ni Taehyung.
"Alam kong bata ka pa at di mo pa maiintindihan ito pero wala na'kong ibang mapagkakatiwalaan para sa kaligtasan nya--"
"Tito, ipagpaumanhin nyo po pero kaya ko po kayang intindihin. Alam ko pong isang hamak na nine years old lang ang tingin nyo sakin pero di na po bata ang pag-iisip ko. Kaya ko pong intindihin ang mga sasabihin nyo lalo na po kung tungkol ito sa anak nyo." Bahagyang napaawang ang labi ni Gerald nung makita ang side na iyon ni Taehyung. Parang hindi bata ang kausap nya kung magsalita ito.
"Hindi na ligtas ang buhay ng pamilya ko. Ako na lang ang nag-iisang Jeon at nagkaroon ng problema sa emperyo ng Dad ko. Ayokong patakbuhin ang emperyo na yun kahit ipinipilit nila sakin. Ang kanang-kamay ni Dad na si Keos ang nagpatakbo nun pero nakagawa sya ng isang pagkakamali. Kinalaban nya ang isa sa pinakamalalakas na lider at yun si Raxius.." Dahan-dahang paliwanag ni Gerald samantalang tahimik namang nakikinig si Taehyung.

BINABASA MO ANG
SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]
Romance"Natatakot na'ko sa salitang promise, hyungie." Sabi ni Jungkook at napailing na lang. "Then let me change your point of view when it comes to promises. Let me heal your trauma..." Huminga ng malalim si Taehyung. "I promise that I'll stay, I will ne...