{27} WITH THE ENEMY

193 18 49
                                    

--YEARS AFTER--

THIRD PERSON'S POV

"Where's Tito?" Mabilis na nagsipagyuko ang mga tauhan na napagtanungan nya. "Nasa library po, Master." Sagot nito na kinatango nya. Umakyat sya ng hagdan habang nilalaro pa sa daliri nya ang lighter na kanina nya pang hawak. Naglakad sya sa mahabang hallway sa second floor habang tahimik na pinagmamasdan ang mga painting.

"Akala ko di ka na uuwi." Napalingon sya sa lalaking bigla na lang nagsalita. "Bakit naman hindi? Alam mo namang nandito ang kinababaliwan ko." Tanong nya saka lumapit dito at kinuha ang sigarilyo sa labi nito.

"Wala ka bang sariling yosi? Tss." Tanong nito at muling kumuha ng sigarilyo sa bulsa ng jacket nito. "Na-enjoy mo ba yung bakasyon mo?" Tanong nito.

"Of course. Alam na alam talaga ni Tito ang tipo kong bakasyon." Nakangisi nyang sagot habang nakasandal sa pader. Tiningnan nya ang kausap at napansing maayos ang damit nito.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya dito.

"Iinom kami ni Eroz. Sama ka?" Tanong nito na inilingan nya. "Hindi. Pupuntahan ko si Tito." Sagot nya at mahinang tinapik ang balikat nito. Nilampasan na nya ito habang abala pa rin sa paghithit sa sigarilyo nya.

Kumatok muna sya nung marating nya ang tapat ng library. Matapos nyon ay mabilis syang pumasok. Naabutan nyang abala sa pagbabasa ng aklat habang may kaharap na tasa ng tsaa ang Tito nya.

Umangat ang tingin nito sa kanya at agad na napangiti. "Taehyung! I didn't know that you'll come home today. You told me that you'll arrive tomorrow, didn't you?" Tanong nito habang tumatayo mula sa upuan nito.

Nakangiting yumakap si Taehyung sa matanda nung makalapit ito sa kanya. "Surprise?" Natatawang sabi nya matapos kumalas ng yakap. Nakangiting tinapik ng matanda ang braso nya.

"Halina't umupo tayo. Sana ay naipaghanda kita kung alam ko lang na ngayon ang uwi mo." Sabi nito kaya sumunod naman sya. Umupo sya sa upuang nasa harap ng mesa nito. "Did you enjoy your vacation?" Tanong nito na mabilis nyang tinanguan. Pumadikwatro pa sya.

"Yes, Tito. Aren't that too much? Di ko pa naman birthday pero grabe ka kung magbigay ng bakasyon." Natatawang sabi nya. "You deserve that, Taehyung." Sabi ni Raxius.

"Ano po bang nagawa ko?" Tanong nya.

"Nah, your existence will forever be an enough reason, Taehyung. Knows what? Eunyse misses you so much. Why don't you visit her?" Tanong nito na kinaayos nya ng upo.

"She's already here? You should've told me earlier, Tito." Nakangiting sabi nya at mahahalata ang saya sa tono ng boses nya. "You misses her too much, huh?" Sabi nito.

"Sino namang di makaka-miss sa fiance nya, Tito?" Tanong nya dito. "Mas miss mo pa yata sya kesa sakin. Magtatampo na yata ako." Sabi nito na tinawanan ni Taehyung.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon