{14} STUBBORN BUNNY

263 19 69
                                    

KIM TAEHYUNG'S POV

"Oh bakit para kang uod na inasinan dyan?" Tanong ko kay Chim nung maipark ko ang kotse ko sa parking lot ng mall. Namumula syang yumakap sa braso ko kaya napatingin ako kay Suga hyung na namumula ang tenga.

"Hala! Anong ginawa nyong kalokohan sa loob ng kotse?! Ang lalandi nyo talaga." Highblood na sabi ni Jin hyung na agad inakbayan ni Joon hyung.

"W-Wala, hyung! A-ano---halika na sa loob, oo, baka maubusan pa'ko ng binder at ballpen." Sabi ni Chim sabay hila sakin. Nilingon ko si Gukkie na kinukuha ang cellphone nya sa likod ng kotse. Nagpatiuna kami ni Chim habang nasa likuran namin ang iba.

"Kelan pa naubusan ng binder at ballpen ang NBS, aber?" Tanong ko kaya nilingon ako ni Chim. Sumilip sya sa likod namin kaya maski ako ay napatingin din dun. Nag-uusap sina Jin hyung, Joon hyung at Hobi hyung samantalang nasa pinakalikod naman sina Suga hyung at Gukkie.

"Kasi!" Biglang pinalo ni Chim ang braso ko na kinaatras ko. "Tangena namang kamay yan. Kung kinikilig ka, pader ang hampasin mo at wag ako." Nakangiwing sabi ko dahil ang lakas talaga ng hampas nya.

Para bang inipon nya yung kilig nya at sa'kin nya binuhos lahat. -,-

"We kissed." Bulong nya saka namumulang sinubsob ang mukha nya sa kamay nya. "Wala pa man, marupok ka na." Komento ko kaya natatawa syang humawak ulit sa braso ko.

"Wala, eh. Suga baby yun, mahirap iwasan ang katamisan." Sabi nya na kinailing ko.

"Marupok ka lang talaga. Nililigawan ka pa lang ni Suga hyung pero may kissing scene na? Paano pa kapag kayo na? Deh, sa langit ang punta?" Tanong ko kaya tinampal nya ang bibig ko.

"Bad yon. May respeto pa'ko sa katawan ko--" Chim

"Wag ako, Park Jimin. Baka isang aya lang sayo ni Suga hyung ay maghubad ka na--"

"Hala, Taetae naman, eh! I'm so innocent for that kind of thing." Nakangusong sabi nito na kinairap ko. "Inosenteng may isang folder ng p*rn sa phone." Sabi ko habang nakangisi.

"Laglagan na ba 'to, Taehyung? Kapag kaya sinabi ko ngayon kay Kookie na may nangliligaw sayo sa College Department? Huh?--" Chim

"Hah? Tama ba yung narinig ko, Jimin-ssi?! Di ba'ko nabingi or what?! Aba, kulang pa pala yung pananakot ko sa mga ka-department nyo." Tiim-bagang na sabi ni Gukkie na bigla na lang sumulpot sa likod namin.

Masamang tingin ang pinukol ko kay Chim na halos di na makatingin sakin ngayon. "Magaling, Jimin." Sarkastiko kong sabi at tiningnan si Gukkie.

"Mahirap syang pigilan, Gguk, kaya hinayaan ko na lang. Wala naman syang permission sakin kaya di ko sya officially manliligaw. Gets?" Tanong ko pero di nawala ang pangungunot ng noo nito.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon