{26} REVEALED SECRETS

226 17 25
                                    

THIRD PERSONS POV

"H-Hyung, n-nasaan? Sabi nya, babalik sya, diba? K-Kanina pa syang alas-dos umalis pero alas-singko na wala pa rin sya. Di naman malayo yung convenience store, diba? Nandyan lang yun. Kaya ko ngang takbuhin yun, eh. A-Ako na kaya yung--"

"Kookie." Mabilis na niyakap ni Jin ang balisang si Jungkook. Kahit na pilit nila itong pinapapasok sa loob upang makapagpahinga na ay ayaw naman nitong makinig.

"Hyung, hayaan nyo kong hanapin sya." Nanginginig ang boses na sabi nito. Halatang pilit na pinipigilan ang mapyuk o mabasag ang sariling boses.

"Kookie, hintayin natin sina Tito Art." Sabi ni Yoongi na kanina pa pinapatahan si Jimin.

"Pero, hyung--"

"Jungkook, makinig ka sa mga hyungs mo. Lahat tayo ay nag-aalala na lalo na't walang may alam sa kung saan nagpunta si Taetae pero kailangan mong kumalma. Kagagaling mo lang sa sakit at di ka pa lubusang magaling---" Lolo Apollo.

"PERO SI TAEHYUNGIE HYUNG YUNG NAWAWALA. HINDI LANG SYA BASTA-BASTA, SOBRANG IMPORTANTE NYA SAKIN! DI AKO MATATAHIMIK HANGGA'T DI KO SYA NAKIKITANG NAKATAYO SA HARAPAN KO. AYOKONG MANAHIMIK!" Napaupo na sa sahig si Jungkook matapos nyang isigaw yun. Walang nagawa ang iba kundi ang tingnan lang sya.

"Sabi nya, babalik din sya agad. Nangako sya, kaya alam kong babalik sya. Baka may dinaanan lang sya. Oo, may dinaanan lang talaga sya. Maya-maya lang ay nandyan na sya." Bulong pa nya habang nakatulala sa sahig.

"Apollo. Kailangan ng magpahinga ni Kookie. Anong gagawin natin?" Tanong ni Ela sa asawa nya. "Wala tayong magagawa, Ela. Tanging si Taetae lang ang pinapakinggan ni Jungkook. Maniwala na lang tayong darating si Taetae." Bulong ni Apollo sa asawa.

Bandang alas-tres nung tawagan ni Jungkook si Seokjin sa pag-aalala kay Taehyung. Umalis ito ng mag-aalas-dos pero hindi pa rin bumabalik. Dahil sa pag-aalala ay nagsipag-uwi ang mga hyungs at dumaan pa sa convenience store na binilhan ni Taehyung. Nasabi ng babae na may bumili nga daw dun na ganun ang hitsura at umalis rin agad.

Sa takot at kaba sa nangyayari ay walang nagawa si Seokjin kundi ang sabihin ito sa mga magulang na nasa Maynila.

Nung malaman ni Arthur ang biglaang pagkawala ng anak ay di nya mapigilang di isipin na may kinalaman si Raxius. Pumasok sya sa opisina nya at asar na binato ang hawak na folder.

"Ulysses." Pagtawag nya sa lalaking kanina pa nakasunod sa kanya. Nakayuko naman itong lumapit sa kanya. "Ihanda mo ang helicopter. Uuwi ako ng probinsya. Huwag mo na muna itong sabihin kay Eanne lalo na't nasa bakasyon sya." Sabi ni Arthur na mabilis tinanguan ni Ulysses.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon