{16} LITTLE MEMORIES FROM THE PAST

241 20 63
                                    

KIM TAEHYUNG'S POV

"Magsisimula na yung klase nakatulala ka pa dyan." Napatingin ako kay Hermes na biglang sumulpot sa tabi ko. Inayos ko ang pagkakatayo ko at bahagyang lumingon sa paligid dahil baka may sumulpot ding kuneho dito.

Muli kong binalingan si Hermes na nagtataka ring tumingin sa paligid. "May hinihintay ka ba?" Tanong nya na inilingan ko.

"Hermes, didiretsuhin na kita. Itigi---"

"Ayoko." Napanganga na lang ako sa lakas ng loob nyang putulin ang sinasabi ko. "Hermes, nakakagago na, ah? Di kita pinayagang ligawan ako kaya tigilan mo na'to. Di mo ba napapansin? Nagugulo mo yung buhay at pag-aaral ko." Diretsahan kong sabi na kinabura ng ngiti nya.

Seryoso ko syang tiningnan. "Uulitin ko. Itigil mo na'tong kalokohan na'to." Sabi ko saka sya tinalikuran. Hinawakan nya ang braso ko at sapilitan akong hinarap sa kanya. Nakita ko ang pag-iigting ng panga nya lalo na ang galit sa mga mata nya.

"Taehyung, sinabi ko na sayong di ko kailangan ng permisyon mo. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo at titigil lang ako sa oras na gusto ko. Ako ang masusunod sa'ting dalawa--"

"Eh, gago ka pala, eh! Ako yung na-s-stress sa kinakana mo sa buhay mo, eh!" Asar kong sabi matapos syang itulak ng malakas. Napaatras sya pero di nabura ang ngisi nya.

"Oh, my baby's mad now." Sabi nya na kinadilim ng anyo ko. Hinablot ko ang collar nya at hinila sya palapit sakin. "I am not your baby, dude." Sabi ko saka sya sinikmuraan.

Binigay ko lahat ng inis at pagtitimpi ko sa isang suntok kaya napaluhod pa sya. "T-Tae--"

"Ngayon mo lang natikman yan mula sakin, noh? Noon kasi ay mabait pa'ko dahil mukha ka namang matino. Pero matapos tong pag-uusap natin ngayon ay nakita ko kung gano ka ka-freak at ka-creepy. Kaya yan lang ang dapat sayo." Sabi ko habang nakaupo sa harapan nya. Nginitian ko sya samantalang hawak pa rin nya ang sikmura nya.

"Ang lakas mong manuntok, tangena." Bulong nito na kinangisi ko. Tumayo ako at inayos ang uniform ko. "Di lang yan ang makukuha mo kapag di mo pa'ko tinigilan. At naalala mo yung kasama ko sa mall nung nakaraang linggo? Isa pa yun sa magpapakain ng alikabok sayo." Banta ko saka sya tinalikuran.

"Taehyung! Tangina, di pa tayo tapos! Bumalik ka dito!" Bumaba na'ko sa third floor dahil nasa second floor ang room ko. Stress na ginulo ko ang buhok ko at sumandal sa pader.

Kahit na narinig ko na ang pagtunog ng bell, tanda na magsisimula na ang susunod na klase ay di ako kumilos. Nanatili ako sa pwesto ko at tumingin sa kawalan.

Mula nung nakaraang linggo ay sobrang stress at sakit na ng ulo ko di lang dahil sa mga exam kundi dahil din kay Hermes. Mas tumigas ang ulo nya at mas tumriple ang kakulitan nya. Para syang kabute na bigla na lang susulpot sa kung san, mas nakakatakot na hanggang men's room ay napapadpad sya lalo na pag nandun ako.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon