THIRD PERSON'S POV
"Taehyung!!!" Nagulat na naman si Taehyung nung may yumakap sa kanyang lalaki. Maputi ito at mas maliit sa kanya. Lumuluha ang singkit nitong mga mata at walang ibang sinasabi kundi 'Taehyung'.
Humawak sya sa balikat nito at pilit itong nilalayo sa kanya pero mas humigpit ang kapit nito sa kanya. "T-Taetae, p-please, h-hayaan mo'kong yakapin ka." Humihikbi nitong bulong habang nakasubsob sa balikat nya.
"Pero hindi ako ang Taehyung na sinasabi nyo. Ayaw kitang saktan kaya mas mabuti pang ikaw na lang ang kumalas ng yakap." Naramdaman nya ang pagluwag ng yakap nito. Inangat nito ang mukha nito at bahagya syang tinitigan.
"Hindi kami pwedeng magkamali. Ikaw lang ang may mukhang ganyan. Ano ba, Tae?! Wag ka namang ganyan! Imposibleng hindi ikaw si Taehyung. Ilang taon ka naming hinanap tapos ito pa ang ibubungad mo? N-Nakakasakit ka na." Mahinang sinuntok ni Jimin ang dibdib ni Taehyung pero nakatingin lang ito kay Jimin.
"J-Jimin, halika na dito." Sabi ni Namjoon at hinila si Jimin palayo kay Taehyung. Walang emosyon na pinagpagan ni Taehyung ang sarili saka nakapamulsang tiningnan ang anim na lalaki.
"Hindi magandang biro 'to at di ako natutuwa sa drama nyo. Sana ay huwag nyo ng ulitin to dahil nasisira ang araw ko. Maayos akong lumapit sa inyo dail inutusan ako nung delivery man na iabot ang bulaklak na'to kay Jeon Jungkook, di ko inakalang ganyan kayo kakulit." Sabi ni Taehyung at pinulot ang bulaklak.
Inayos nya yun saka humakbang palapit sa nakayukong si Jungkook. "Huwag mong sayangin ang bulaklak mula sa Lola mo. Kunin mo'to." Sabi nya at inilahad ang bulaklak sa harap nito.
"S-Salamat." Tanging sabi ni Jungkook matapos kunin ang bulaklak. Di na nito inangat pa ang tingin kaya bahagyang tumango na lang si Taehyung.
"Kahit na ganun ang inasal nyo ay gusto pa rin kitang batiin. Congratulations, Jungkook. Sana ay maging matagumpay ka sa journey mo." Umangat ang ulo ni Jungkook kaya nakita nyang namumuo ang luha sa mga mata nito. Mabilis nitong pinunasan yun habang mahigpit na nakahawak sa bulaklak.
Nakadama man ng awa sa pinapakita nito ay di na iyon pinansin ni Taehyung.
Nginitian nya na lang ito saka mahinang tinapik ang baba (chin) nito. "Wag kang mag-alala. Makikita nyo rin yung Taehyung na sinasabi nyo. Wag kayong mawawalan ng pag-asa. Mauna na'ko. Congrats ulit." Sabi nya saka tiningnan ang mga kaibigan ni Jungkook.
Bahagya lang syang yumuko. Napansin nya pang gusto syang lapitan nung Jimin kundi lang ito hawak ng kaibigan nito. Tumalikod na sya at naglakad palayo sa mga ito.
BINABASA MO ANG
SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]
Romance"Natatakot na'ko sa salitang promise, hyungie." Sabi ni Jungkook at napailing na lang. "Then let me change your point of view when it comes to promises. Let me heal your trauma..." Huminga ng malalim si Taehyung. "I promise that I'll stay, I will ne...