{22} LOUIS

229 17 18
                                    

KIM TAEHYUNG'S POV

"Kakambal ka tapos di mo alam na depress yang si Annie?" Angat ang isang kilay na tanong ni Jimin.

"Eh ano ba kasing ika-de-depress nya? Meron ba dapat? I don't understand you, guys. Ako yung kasama nya sa bahay maski sa kwarto kaya mas alam ko yung sitwasyon nya." Sabi ni Elliot.

"So, nagsisinungaling lang sya, ganun?" Tanong ko. "Bakit? Ano na naman bang ginawang kalokohan nyang kakambal ko?" Tanong ni Elliot.

"Alam mo bang naninira ng relasyon yang kakambal mong pinanganak na yatang may apat na sungay sa ulo?" Naniningkit ang mga matang tanong ni Jimin. "Wait, calm down. I'm not Annie so don't get mad at me. Anong klaseng paninira ba?" Tanong ni Elliot at umupo pa sa tabi ko.

"Relasyon ni Taehyung at Jungkook. Di ko alam na ganyan pala ma-obsess yang bruha na yan. Gagawin ang lahat makapanira lang ng relasyon? Sinabi ba naman sa jowa ni Taehyung na kailangan nya ng tulong dahil daw may mental problems sya. Si Jungkook lang daw ang makakatulong sa kanya--"

"Jungkook? Parang narinig ko yan na binanggit nya nung isang ataw." Sabi ni Elliot at tiningnan ako. "Boyfriend mo yun?" Tanong nya.

"Unli?" Tanong ni Chim na kinailing ko na lang. "Kalma ka muna, Chim. Parang ikaw pa yung jowa kung magalit ka, eh." Sabi ko na kinatawa ni Elliot.

"Oo, boyfriend ako ni Jungkook pero hindi ako ang kinakampihan nya sa isyu na'to. May sayad ba yang kakambal mo at ganito na lang kalakas kung mang-epal sa relasyon?" Tanong ko.

"Guys, I'm very sure that she's fine. Di nag-aaway ang parents namin at maayos ang kumpanya nina Mom and Dad. Wala syang problema sa bahay maski sa pamilya. Matataas din ang grades na pinapakita nya samin. Di naman namin sya nakikitaan ng kahit na anong problema." Sabi ni Elliot.

"Pano kung tinatago nya lang at nagpapanggap sya na okay lang sya?" Tanong ko. "Oo nga, ganun yung mga depress, diba?" Tanong ni Chim.

"Ano ba kasing dapat nyang ika-depress? Na wala syang boyfriend? Ang weak nya namn." Iiling-iling na sabi ni Elliot. "Kaya siguro nang-aagaw." Singit ni Chim.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon