THIRD PERSONS POV
"Ynah?" Biglang sulpot ni Jimin sa tabi ni Taehyung kaya napatingin sa kanila ang dalawa. "T-Taehyung?" Gulat na tanong ni Ynah at mabilis na kumalas ng yakap kay Jungkook.
"Uhh, sorry." Bulong ni Ynah habang inaayos ang buhok nya. "Oh, don't mind me. I'm not that man you're pertaining to. I'm not Jungkook's boyfriend, hehe." Awkward na sabi ni Taehyung kaya napatingin sa kanya si Ynah.
"G-Ganun ba?" Tanging sabi nito. "Pero kahit na hindi sya si Taetae natin ay di mo dapat ginawa yun, Ynah." Sabi ni Jimin na kinanguso ni Ynah. "Sorry na nga, eh." Nagtatampong sabi nito.
"Pumasok na kayo." Sabi ni Jimin saka na tumalikod. Nagtataka man si Taehyung sa nangyayari ay nanatili pa rin syang nakatayo dun. "Sorry, Kookie." Sabi ni Ynah habang nakatingin kay Jungkook.
"No, that's fine. Nagulat lang ako dahil magkasama naman tayo kagabi sa bahay nina Tito Art tapos miss mo na'ko agad." Sabi ni Jungkook kaya nahihiyang nagyuko ng ulo si Ynah. "Ganun talaga, eh." Sabi nito saka tiningnan si Jungkook. "I'm inlove with you, didn't I? I'm just stopping myself because I know my place in your life." Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Taehyung sa narinig.
Totoo bang nakakapanood ako ng confession ngayon? Grabe, nandito pa'ko, oh. Baka lang kasi nakakalimutan nyo.
Lumingon si Jungkook kay Taehyung kaya mabilis na nag-iwas ng tingin si Taehyung. "A-Ano---hmm, mauna na'ko sa loob. Take your time." Ngumiti sya ng pilit saka tumungo sa living room. Umupo sya sa tabi ni Jimin na busy na ngayon sa panonood sa TV.
"Nasaan yung dalawa?" Tanong ni Jimin habang kunut-noo. "Nasa tapat pa ng pinto. Hayaan mo na muna silang mag-usap. Narinig ko kasing nag-confess yung babae kay Bun." Bulong nya kay Jimin na agad na napasimangot.
"Wala talaga syang balak tumigil, noh?" Sabi nito sabay irap sa hangin. "Hah? Ano bang problema dun sa babae? Parang galit na galit ka?" Tanong ni Taehyung.
Humarap sa kanya si Jimin. "Yan kasing si Ynah, nung nakita nya ulit si Kookie, di na talaga nya nilubayan. Alam mo yung feeling na minu-minuto nyang sinasabi na mahal nya si Kookie na nakakarindi na lang talaga?" Bahagyang tumango si Taehyung.
"Alam naman naming lahat kung sino lang ang taong minamahal ni Kookie. Kahit sinasabi ni Ynah na alam na nya ang lugar nya dito ay di pa rin sya tumitigil sa pagpaparamdam ng feelings nya kay Kookie. Diba? Sinong di maiinis? Pano kung ma-fall sa kanya si Kookie? Pano ka na?" Asar na asar at tuluy-tuloy na sabi ni Jimin na kinakunot ng kilay ni Taehyung.
BINABASA MO ANG
SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]
Romantik"Natatakot na'ko sa salitang promise, hyungie." Sabi ni Jungkook at napailing na lang. "Then let me change your point of view when it comes to promises. Let me heal your trauma..." Huminga ng malalim si Taehyung. "I promise that I'll stay, I will ne...