THIRD PERSON'S POV
"Hyungie! Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? May nangyari ba? Anong nangyari? Sinong nanakit sayo? Taebear, tahan na." Nag-aalalang niyakap ni Jungkook si Taehyung na kanina pa umiiyak. Hinaplos nya ang likod nito para mapatahan ito. Napansin nyang wala itong suot na tsinelas at pawis na pawis pa.
Saan ba sya galing?
"Tangina naman, Jeon Jungkook. Bakit ka umaalis ng walang paalam? Gising ka na pala tapos di mo man lang ako ginising? Bakit ba ganyan ka? Hobby mo ba talagang pag-alalahanin at paiyakin ako minu-minuto?! Tangina, naikot ko yung buong ospital sa sobrang pag-aalala sayo." Sabi nito matapos kumalas ng yakap.
Napangiwi pa si Jungkook dahil sa napakalutong na mura ni Taehyung. Napalitan rin iyon ng ngiti dahil sa narinig nyang sinabi nito. "Hush, tumahan ka muna, hyungie. Papaliwanag ko sayo." Sabi ni Jungkook at muling niyakap si Taehyung.
Pinahinga ni Taehyung ang mukha nya sa balikat nito at niyakap ito. Namuo ang ngiti sa labi nya dahil sa wakas ay nayayakap na nya muli, naririnig ang boses at nararamdaman ang init ng katawan ni Jungkook. Ang tagal nyang hinintay ng oras na yun.
Nung kumalma sya ay hinila sya ni Jungkook patungo sa railings. Sumandal si Taehyung patalikod sa railings samantalang nakaharap naman si Jungkook sa malawak na siyudad. Nakatitig lang si Taehyung sa maamo at maaliwalas na mukha ni Jungkook.
"Bigla akong nagkamalay ng bandang alas-singko ng umaga, hyungie. May mga nurse na pumunta sakin para i-check ang kalagayan ko. Gigisingin ka sana nila pero pinigilan ko sila. Ayokong abalahin ang mahimbing mong pagtulog, hyungie. Nung matapos silang i-check ako ay umalis na sila ng kwartong yun." Sabi ni Jungkook saka nilipat ang tingin nya kay Taehyung na nakatitig pa rin sa kanya. Kitang-kita nya sa mga mata nito ang sobrang pangungulila sa kanya.
I'm sorry if you waited for so long, Taebear. I didn't mean to sleep and rest that long.
"Nakikinig ka ba, hyungie?" Tanong ni Jungkook na bahagyang tinanguan ni Taehyung. "Nung mag-aalas-otso na ay bumangon ako saka nilipat ka sa kama. Medyo nanghihina pa'ko kaya humingi pa'ko ng tulong sa male nurses na nakita ko sa hallway. Nung masiguro kong okay na ang pagkakahiga mo ay nagpalit ako ng damit. Masyado kasing lantad yung hospital gown.." Bahagya pa syang ngumuso.
"..kumuha ako ng T-shirt at pants sa bag mo. Wala akong ibang pinuntahan kundi dito sa rooftop. Gusto kong maramdaman ang sinag ng araw dahil pakiramdam ko ay napakatagal ko ng nasa kwartong yun. Dun mo'ko naabutan, nung dinarama ko yung init ng araw at simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam, hyungie." Nakangiting kwento ni Jungkook pero ganun pa rin ang mukha ni Taehyung. Nakatitig sa kanya, ni hindi nya nga alam kung nakikinig ba ito o hindi.
BINABASA MO ANG
SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]
Roman d'amour"Natatakot na'ko sa salitang promise, hyungie." Sabi ni Jungkook at napailing na lang. "Then let me change your point of view when it comes to promises. Let me heal your trauma..." Huminga ng malalim si Taehyung. "I promise that I'll stay, I will ne...