{36} THE MOST COMFORTABLE PLACE

216 19 35
                                    

THIRD PERSON'S POV

Napadilat si Jungkook nung maramdaman nyang may nakayakap sa kanya. Bahagya nyang dinilat ang mga mata nya at napahilot sa sintido nya dahil sa sama ng pakiramdam nya. Tumingin sya sa gilid nya nung maramdaman ang paghigpit ng yakap nito.

Bahagya syang napangiti nung makitang nakasubsob ang mukha ni Taehyung sa kanan nyang balikat habang himbing na himbing sa pagtulog. Nakasuot din ito sa comforter habang mahigpit na nakayakap sa kanya. Inangat nya ang kamay nya at maingat na hinaplos ang pisngi nito. Gumalaw ito ng konti pero di naman nagising.

I miss you.

Bulong nya sa sarili habang nakatitig sa maamong mukha nito. Inayos nya ang pagkakahiga nya at niyakap ito pabalik. Gumaan ang pakiramdam nya nung maramdaman ang init ng katawan nito. Pilit nyang inabot ang cellphone nya sa side table.

Mag-aalas-syete na ng gabi. Bumaba pa ang tingin nya sa napakaraming missed calls at messages ng mga kaibigan nya. Nangunot ang noo nya dahil wala syang natatandaan sa nangyari. Napatitig sya sa kawalan habang inaalala ang lahat.

Kagabi ay di sinasadyang nabasa sya ng ulan dahil sa pagbili nya ng makakain habang mag-isang nagmomovie marathon. Masaya pa nga sya nun dahil magkikita sila nina Taehyung kinabukasan. Pag-uwi nya ay di na sya nagpalit ng damit dahil di naman sya ganong nabasa. Inayos nya lang ang kakainin nya saka na nanood ng movie.

Kinaumagahan ay medyo masama na ang pakiramdam nya na di nya na lang pinansin. Katanghalian ay di na sya nakakain dahil sa sobrang panghihina. Nakatulog lang sya at nagising nung makarinig ng nagsasagutan.

Dun nga nya napansing nakayakap sya kay Ynah na di nya alam kung paanong nakarating dun. Nakita nya rin ang asar sa mga mata ni Taehyung kanina habang nakikipagsagutan kay Ynah. Maang syang napatingin sa mukha ni Taehyung.

Bakit sya nagalit kanina? Ayokong isipin na nagselos sya or what----pero, argh, please, sana nagselos sya. >///<

"Bakit ka namumula? May masakit ba sayo?" Napakurap sya nung mapansing nakadilat na pala si Taehyung at nakatingin pa sa kanya. Agad syang nag-iwas ng tingin at pilit na ninormal ang mukha nya.

"W-Wala, hyungie." Nauutal nyang sagot dito. Umupo ito sa kama habang nag-iinat kaya napatingin sya dito. Walang pagdadalawang-isip na yumakap sya sa bewang nito na bahagya pang kinagulat nito.

"Inaantok ka pa? Pwede ka namang magpahinga pa. Lalabas lang ako sandali para tingnan kung nakapagluto na sina Jin hyung." Sabi nito habang hinahaplos ang buhok nya. Agad na namuo ang ngiti sa labi nya dahil dun.

"Uhm, just wait for a minute, hyungie. Sobrang komportable kasi sa tabi mo." Sabi ni Jungkook na kinatawa ni Taehyung. "Namimihasa ka na yata, Bun." Sabi ni Taehyung saka bahagyang kinurot ang dulo ng matangos na ilong ni Jungkook.

"Kung sayo lang din naman ako mamimihasa ay ayos lang." Sagot nito saka pa inangat ang tingin. "Kasi alam kong di mo naman ako iiwan." Dagdag pa nito. Taehyung giggled as he pinch Jungkook's cheeks.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon