THIRD PERSON'S POV
"Gukkie." Sabi ni Taehyung habang mahinang tinatampal ang pisngi ni Jungkook. "Uhm.." Yumakap pa ito lalo kay Taehyung na kinatawa ng butler ni Taehyung na nakasilip sa bintana.
"Young Master, hinihintay na po nila kayo sa loob ng mansion." Sabi nito kaya bahagyang napasilip si Taehyung sa malaking mansion na nasa gitna ng malawak na lupain.
"Gigisingin ko lang po sya, Kuya Leor." Sabi ni Taehyung na tinanguan ni Leor. Muling niyugyog ni Taehyung si Jungkook na muling umingit. "Gukkie, gising na. Nandito na tayo." Sabi nya at medyo nilakasan na ang boses nya.
Dinilat naman nito ang mga mata at tumingin-tingin sa paligid. Mabilis na nanlaki ang mga mata nito nung ma-realize ang lugar na kinaroroonan nila. Napaupo ito at isinilip ang ulo sa bintana.
"Nandito na tayo??" Excited na sabi nito na tinanguan ni Taehyung. Mabilis nitong hinawakan ang kamay ni Taehyung at hinila pababa ng kotse. Umalalay naman sa kanila si Leor na nag-aabang sa labas.
"WOW!!!!" sigaw ni Jungkook nung bumungad sa kanya ang senaryong kinalakhan ng magkapatid na Kim. Sumunod sa kanya si Taehyung at nakitingin din sa paligid.
"Lupain nyo lahat ng to, hyung?" Tanong ni Jungkook habang kumukuha ng larawan. "Yes, it's Kim's property. Lahat ng naaabot ng mga paningin mo." Sagot ni Taehyung habang hinihintay na matapos si Jungkook sa pag-picture.
"Halika na sa loob, Gukkie. Kanina pa nila tayo hinihintay." Humawak si Jungkook sa tela ng damit ni Taehyung na nakasunod naman kay Leor.
Nung makapasok sila sa mansion ay agad na sumalubong sa kanila ang buong clan kaya ganoon na lamang ang hiya ni Jungkook.
"Taetae!!" Masayang sabi ni Jin nung makita ang kapatid. Di mapigilang matawa ni Taehyung dahil mukhang ewan ang kapatid nya. Yumakap sya sa Mom nya samantalang halos sumuot na si Jungkook sa damit nya sa sobrang hiya.
"Mabuti at nakarating na kayo. Miss na miss ka na ng Lola mo." Sabi ni Eanne na mas kinalawak ng ngiti ni Taehyung. "Welcome to our province, Kookie." Sabi ni Eanne saka niyakap si Jungkook na di na halos maiangat ang tingin.
"Gukkie, wag kang mahiya. Pamilya ko silang lahat." Sabi ni Taehyung pero di pa rin nawala ang hiya nito. "H-Hello po, Tita Eanne, Jin hyung." Halos wala ng boses na lumabas mula dun na kinatawa naman ni Jin.
"Ang cute.." Komento ni Eanne saka ginulo ang malambot na buhok ni Jungkook.
"TAEHYUNG-AH!!!!" napatingin silang lahat sa boses na iyon at halos bumagsak sa sahig si Taehyung nung may yumakap sa kanya. "Jimin-ah, para ka namang tuko dyan, eh." Sabi ni Jin na hindi pinansin ni Jimin. Kunut na kunot naman ang noo ni Jungkook habang nakamasid sa dalawa.
"Na-miss kita, Taehyung-ah!! Nalungkot ako nung nalaman kong di ka makakarating kahapon" sabi ni Jimin kaya walang nagawa si Taehyung kundi yakapin pabalik ang kaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/277113183-288-k926548.jpg)
BINABASA MO ANG
SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]
Romance"Natatakot na'ko sa salitang promise, hyungie." Sabi ni Jungkook at napailing na lang. "Then let me change your point of view when it comes to promises. Let me heal your trauma..." Huminga ng malalim si Taehyung. "I promise that I'll stay, I will ne...