{19} OFFICIALLY YOURS

256 20 38
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Ang tagal naman kasi matapos ng klase ko. Tumakas na lang kaya ako?" Nag-aalalang sabi ni Taehyung kay Jimin habang nakatayo sila sa tapat ng hagdan. Mabilis na binatukan ni Jimin si Taehyung bago nag-cross arms.

"Wag matigas ang ulo mo. 30 mins na lang at matatapos na yung klase mo. May isip naman na si Jeon at alam kong di nya pakakalala ang parusa nya sa makulit na yun. Papunta na rin dun sina Hobi hyung at Sugababy ko kaya---kalma!" Sabi nito habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Taehyung. Mabilis na napanguso si Taehyung sa narinig.

"Yun na nga, eh! 30 mins na lang kaya pwede na'kong umalis--" Taehyung.

"No! Babantayan kita. Bumalik ka na sa klase mo at tapusin ang huling bente-singko minutos. Bilis!" Sabi ni Jimin saka pa pinagtulakan si Taehyung pabalik sa klase nito.

"Chim naman, eh. Nakapag-attendance na--"

"Balik sa klase." Sabi ni Jimin at tinuro pa ang room ni Taehyung. "Ano? Hahayaan mong magkaroon ka na naman ng record sa detention, huh?" Angat ang isang kilay na sabi ni Jimin kaya mabilis na umayos ng tayo si Taehyung.

"H-Hindi, noh! Hintayin mo'ko, ah?" Sabi ni Taehyung saka na tumakbo pabalik sa klase nya. Napailing na lamang si Jimin bago sumandal sa railing ng second floor. Kinuha nya ang phone nya saka naisipang tawagin si Suga.

"Tangna, ayaw sumagot." Bulong nya at muling dinial yun. Maraming beses pang nag-ring sa kabilang linya bago ito sagutin ni Suga.

"Sugababy--"

"What the hell?! Hobi!! Hold him tightly! Namjoon, harangan nyo si Hermes. Tanginang--Jeon! Kumalma ka nga---"

"Pano ko kakalma kung nagpapakagago yang creepy pyschopath na yan?! Bitiwan nyo ko! Tatanggalan ko lang ng dila yang gago na yan!" Jungkook

"Akala mo takot ako?! Sige! Sugod!" Hermes

Napatikom ang bibig ni Jimin at mabilis na napaayos ng tayo nung yun ang sumalubong sa kanya. Napatingin pa sya sa screen ng cellphone sa gulat.

"Jiminie! Baby, bitbitin mo na dito si Taetae! Kailangan ng magpapakalma sa dalawang siraulo na'to!!" Biglang sabi ni Suga.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon