THIRD PERSON'S POV
"Excuse me." Sabi ni Jungkook na kinalingon sa kanya ng mga kasama nya. Kanina pa ito tahimik nung makabalik sila sa mesa nila mula sa mesa nina Eanne at Arthur. Nagtataka na nga si Taehyung dahil di sya nito kinukulit at tanging sina Jimin lang ang kumakausap sa kanya.
"Bun.." Hinawakan agad ni Taehyung ang damit ni Jungkook na napatingin sa kanya.
"Saan ka pupunta?" Nag-aalala nyang tanong nung makita ang lungkot sa mga mata nito.
"S-Sa labas lang.." Sagot nito kaya tumayo rin sya. "Sasamahan na kita--"
"No, it's fine. Magpapahangin lang ako." Sabi nito saka mabilis na humalo sa maraming tao. Nagkatinginan silang anim. "Saan kayo galing bago kayo pumunta dito?" Tanong ni Seokjin.
"Sa parents mo. Iyak sila ng iyak habang nakayakap sakin dahil kamukha ko yung Taebear nyo. Di kami tiningnan ni Bun na kinataka ko." Paliwanag nya. Narinig nya ang pagbuntonghininga ng mga ito.
Walang sali-salitang tumayo si Jimin at humalo rin sa maraming tao. Tatayo na rin sana si Taehyung pero hinila sya pabalik ni Hoseok. Pilit itong ngumiti sa kanya. "It would be better if you'll stay here. Let him----think freely for a while. We know that he's suffocating too much, his life is a mess." Mapait na sabi ni Hoseok kaya walang nagawa si Taehyung kundi ang tumango. Sandali pa syang tumingin sa dinaanan nina Jimin at Jungkook bago napayuko.
Why am I hurting for him? I think, he doesn't deserve any of this pain and tears. He's suffering because of that damn guy. Bakit ba kasi di na lang sya bumalik? Di ba nya naiisip na maraming naghihintay at nasasaktan dahil sa kanya? Nakakainis sya.
Nung makalabas si Jungkook ay nakapamewang syang tumingala. Pilit nyang binabalik ang luha nya pero tumulo pa rin yun. Wala syang nagawa kundi sapuhin ang mukha nya habang nakaupo sa damuhan. Tahimik syang umiyak habang inaalala ang nakita nya kanina.
Pakiramdam nya ay kasalanan nya ang lahat ng nangyayari. Kung hindi sana sya pinrotektahan ng mga Kim ay buo at masaya pa sana ang pamilya nila. Nakasama pa sa kanila ang pagtulong nila sa kanya.
Di nya malimutan ang pag-iyak ni Eanne kanina pati na ang pagpipigil ng luha ni Arthur. Di nya iyon kayang panoorin o tingnan man lang dahil sinisisi nya ang sarili nya kung bakit humantong ang mga Kim sa senaryong yun.
"Bakit di na lang ako namatay kasama nina Mom? Wala naman akong dulot dito kundi problema. Sirang-sira na nga ang buhay ko, nanira pa'ko ng pamilya. Bakit ba ganito ang buhay ko? Para saan pa bang humihinga ko?" Umiiyak nyang bulong habang paulit-ulit na pinupunasan ang mukha nya.
"A-Ayokong nakakasakit pero kasama na yata yun sa buong pagkatao ko." Bulong nya pa. Naramdaman nyang may yumakap sa kanya at base sa amoy nito ay alam nyang si Jimin yun. Inangat nya ang mukha nya at nakita ang nag-aalalang mukha nito.
BINABASA MO ANG
SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]
Romance"Natatakot na'ko sa salitang promise, hyungie." Sabi ni Jungkook at napailing na lang. "Then let me change your point of view when it comes to promises. Let me heal your trauma..." Huminga ng malalim si Taehyung. "I promise that I'll stay, I will ne...