{44} THEY DESERVE TO KNOW

255 19 74
                                    

THIRD PERSON POV

"Tss." Bulong ni Taehyung habang tinitingnan ang mga mensahe at tawag mula kay Raxius. Tumigil sya sa tapat ng kwartong okupado ni Jungkook. Sumilip muna sya at nakitang tulog lahat ng nandun.

Nung mailipat ng ospital si Jungkook ay mabilis rin itong inasikaso. Sinabing comatose ito at walang kasiguraduhan kung kailan magigising na syang kinabagsak ng balikat nila. Masaya pa rin silang naagapan ito at kahit papaano'y buhay ito.

Umuwi muna sina Eanne at Arthur para magpahinga mula sa napakalayong byahe galing sa Baguio. Umalis din si Namjoon na syang umaasikaso sa nangyari kay Jungkook at si Hoseok na kinailangang umuwi dahil nasa unit nya ang ate nya.

Tuluyan ng pumasok sa loob si Taehyung at tahimik na sinarado ang pinto. Mag-aalas-tres na ng madaling araw kaya di na sya nagtakang inabutan nyang tulog ang mga kaibigan nya.

Kapwa nakaupo sa long sofa sina Jimin at Seokjin na magkasandal. Nasa single sofa naman si Suga na halatang pinatungan muna ng jacket ni Jimin bago ito matulog. Dumiretso si Taehyung sa upuang nasa tabi ng kama ni Jungkook. Tiningnan nya ang monitor na nasa tabi nito bago tuluyang umupo.

Hinawakan nya ang kamay nitong walang kabuhay-buhay. Napapikit na lang sya nung maalalang matatagalan muli bago nya makita ang ngiti nito pati na ang paborito nyang tawa nito.

"B-Bun.." Bulong nya kahit alam nyang sya lang ang nakakarinig sa sarili nya. "Matagal na naman bago kita makausap ulit. Matagal na naman bago mo'ko kulitin at asarin ulit. Napakatagal na nating nalayo sa isa't isa tapos heto na naman. Bakit kaya ganun, noh? Kung di ako ang mawawala ay ikaw naman ang napapahamak." Bahagya pa syang tumawa.

"Sana bumalik na lang tayo sa pagkabata. Na wala tayong iniintindi kundi yung pagbisita natin sa bahay ng isa't isa para maglaro. Yung pagdalaw natin sa garden ni Tita Xy para tingnan yung mga bulaklak nya. Bakit ba di pwedeng bumalik sa nakaraan? Dun mas masaya, hindi kumplikado." Tumulo na naman ang luha nya na akala nya ay naubos na kanina.

"Pero--kahit gaano katagal mo man gustuhing magpahinga sa hospital bed na yan ay ayos lang sakin, basta siguruhin mong babalik ka. Napakatagal mo'kong hinintay kaya ayos lang rin sakin na hintayin ka. Alam kong pagod ka na sa lahat ng mga nangyayari, maski sa mga pinagdaanan mo sa nakalipas na ilang taon.." Tumayo sya at hinalikan ang noo nito.

"..pasensya na kung hindi ka naprotektahan ni Taebear mo. Pasensya na kung nawala ako at bumalik ng di ka naaalala. Sobrang nasaktan ka siguro, noh? Kaso di mo masabi sakin dahil di nga kita kilala. I'm sorry, Bun." Pinunasan nya ang pisngi nito nung matuluan ng luha nya.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon