{15} ACCIDENTALLY MEETING HIM

251 19 63
                                    

KIM TAEHYUNG'S POV

"Gusto kong manood ng sine." Biglang sabi ni Hobi hyung matapos naming lumabas ng Pizza house. Tumingin kami sa kanya at nakita ang excitement sa mukha nya

"Anong oras na ba?" Tanong ni Joon hyung.

"15 minutes before 6pm." Sagot ni Suga hyung.

"Pwede pa yan. Halika na." Sabi ni Jin hyung sabay hila kay Namjoon hyung. Sumunod na lang kami sa kanilang dalawa. Nakahawak pa rin si Gukkie sa kamay ko habang palakad-lakad kami sa loob ng mall.

"Hyungs, mauna na kayo. May bibilhin pa pala ko." Sabi ni Gukkie na kinalingon namin sa kanya. "Ano naman yun?" Tanong ko.

"At kasama ko si Taebear ko. Mauna na kayo!! Byee!!" Sabi nya saka ako hinila pabalik. Nagkibit-balikat naman ang mga hyungs saka nagpatuloy na sa paglalakad.

"Muntik ko ng makalimutan na ibibili kita ng strawberry smoothie." Sabi nya saktong tumigil kami sa harap ng smoothie shop. Akmang papasok na sya nung hilahin ko sya pabalik.

"Wag na, busog pa'ko." Sabi ko.

"Hindi, hyung. Kailangan kitang ibili dahil nangako ako. Yung small size na lang?" Sabi nya pero umiling ako. "Hati tayo." Suhestyon nya pa na syang tinanguan ko.

"Yun naman pala. Sasama ka pa sa loob?" Tanong nya. "Hindi, hihintayin na lang kita dito." Sagot ko. Nakangiti syang tumango saka tumakbo papasok ng shop. Napangiti na lang ako bago naglakad sa harap ng railings.

Kitang-kita dito yung mga taong paroo't parito sa first floor ng mall. Pinanood ko na lang sila habang hinihintay na makabalik si Gukkie. Nung bumukas ang pinto ay mabilis akong lumingon dun pero di si Gukkie ang lumabas.

Bored na sumandal ako sa railings at pinanood ang pagbukas at pagsara ng pinto. Nakikita ko naman sa salaming bahagi ng shop ang nasa loob pero di ko mahagilap kahit anino ni Gukkie.

Muling bumukas yun. Napangiti ako nung lumabas si Gukkie pero nagtaka din ako nung hawakan nya ang pinto at hintaying makalabas ang kasunod nya. Babae iyon na kagaya ng uniporme nya.

Wow, gentleman pala tong kunehong to?

Naglakad ako palapit sa kanila. "Thank you, Jungkook." Cheerful na sabi nung babae kaya ngumiti naman si Gukkie. Lumabas tuloy yung cute nyang bunny teeth na nagpapula sa pisngi nung babae.

"Welcome." Tanging sagot nya. "Uhm, may kasama ka ba? Mag-isa lang kasi ako. Kung mag-isa ka lang din, pwedeng sabay na lang tayong mag-ikut-ikot." Malambing na sabi nung babae at talagang inipit pa ang buhok nya sa tenga nya.

"May kasama ko, eh." Sabi ni Gukkie habang napapakamot sa noo nya. "Ganun ba?" Nabahiran ng lungkot ang tono nung babae.

"Maybe, next time? Baka may free time ka." Nahihiyang sabi nung babae na kinatikhim ko. Sabay ang naging paglingon nila sakin kaya tuluyan na'kong lumapit sa kanila.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon