{41} FAMILY BONDING

218 16 37
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nagkatitigan silang dalawa matapos pakawalan ni Jungkook ang labi ni Taehyung. Di malaman ni Jungkook kung ilang beses syang napalunok habang nakatitig sa maamong mata ni Taehyung.

Hinaplos nito ang pisngi nya na bahagya nyang kinapikit.

Bakit ba kasi di mo'ko maalala?

Nung dumilat sya ay nakita nyang nakangiti na ito sa kanya. "Feeling better, Bun?" Tanong nito habang nilalaro ang tenga nya.

Napakamot sya sa noo nya habang nakaiwas ng tingin. "Actually, nabitin ako--"

"Ay, gago." Nasabi na lang ni Taehyung na kinatawa ni Jungkook. "Joke lang, hyungie." Sabi nito saka pa nagnakaw ng isang halik sa labi ni Taehyung na napailing na lang.

"Tara na. Tama na yang kalandian mo." Sabi ni Taehyung. Jungkook giggled as he hold Taehyung's hand. Pinaandar nya ang kotse at dun ay nagsimula ang byahe nila papunta sa bahay ng mga Kim.

"Mukhang masaya ang Kookie natin ngayon, ah?" Sabi ni Eanne nung salubungin nya ang dalawa sa bukana ng bahay. Nakatayo sa tabi nya si Arthur na nakangiti rin at mahahalatang masaya na makita ang anak.

Humalik si Jungkook sa pisngi ni Eanne at yumakap kay Arthur. Ganun din ang ginawa ni Taehyung na kinatuwa ng mag-asawa. "Di naman gano, Tita." Sabi ni Jungkook saka nilingon si Taehyung na mabilis syang siniko.

"Halatain ka, Bun. Sa harap ang tingin." Bulong ni Taehyung na kinatawa ni Jungkook.

"Halina sa loob." Sabi ni Eanne na tinanguan ng dalawa. Inakbayan ni Arthur si Eanne saka sabay na silang pumasok sa loob. Pinwesto ni Jungkook ang kamay nya sa bewang ni Taehyung na tiningnan sya ng masama.

"Di ka titigil?" Tanong ni Taehyung. "Hayaan mo na, hyungie. Tayo lang naman ang nandi--"

"Taetae!!!! Waahhh!!! Namiss kita!!" Mabilis na tinulak ni Taehyung si Jungkook na muntik pang mawalan ng balanse nung marinig ang boses ni Seokjin. Nakasimangot na pinanood ni Jungkook ang pagyakap ni Seokjin kay Taehyung na di mabura ang ngiti sa labi.

Napakamot na lang sya sa ulo na napansin ni Seokjin. "Bakit parang di ka yata masayang makita ako, Jeon? Bahay ko rin naman to, ah?" Sabi ni Seokjin kaya napanguso na lang si Jungkook.

Panira ka naman kasi ng moment, hyung. Kinikilig na'ko, eh. -_-

"Di nga gano, hyung. Araw-araw ko ba namang nakikita yang pagmumukha mo na sumusulpot sa unit ko. Sasaya ba'ko?" Sarkastikong sabi ni Jungkook na kinatawa ni Taehyung at kinakunot ng noo ni Seokjin.

"Naku--hahambalusin talaga kitang kuneho ka!" Sabi ni Seokjin at tumakbo palapit kay Jungkook na nagtago naman sa likod ni Taehyung. Napataas ng kamay si Taehyung dahil parang ready na syang hampasin ni Seokjin.

"Si Taehyung to, nasa likod ko si Jungkook, wag ako ang hampasin mo." Natatawa nyang sabi. Nagulat sya nung hawakan ni Jungkook ang kamay nya at itakbo sya papuntang kitchen. Mabilis na sinara ni Jungkook ang pinto ng dining na kumokonekta sa kitchen.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon