DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
*********
Enzo's POV"Good morning, Architect. According to your schedule, you'll have a dinner meeting with Engineer Ramirez," ani Alice, secretary ko. Dala-dala niya pa ang clipboard na panigurado ay schedule ko ang laman.
"Meeting? What for?" takang tanong ko. "Si Governor Go na raw po ang bahalang magsabi sa inyo, Architect. Papunta na rin po siya dito."
Ano nanaman kaya ang binabalak ni Tito Lim? "I see, thanks Ms. Alice," ningitian ko siya.
Lumabas na rin siya ng office ko pagka-inform niya sa'kin. Gumawa muna ako ng mga paperworks, nagbasa ng email at tinignan ang design proposal para sa mga clients ko. Habang abala ako sa ginagawa ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ko.
"Tito," malumanay na bati ko. Lumapit ako sa kanya para mag-mano. Iginawad ko naman siya sa couch para maupo. Nagpahanda na rin ako ng kape kay Ms. Alice para kay Tito Limuel.
"How's my future governor?" masiglang bati ni Tito Lim.
"I'm good, Tito. May meeting daw po ako with Engineer Ramirez?" tanong ko kay Tito.
"Makatutulong ang tulay na gagawin mo para sa eleksyon, Lorenzo. I suggest makipag-meet ka na mamaya kay Engineer Ramirez para masimulan na as soon as possible," sambit niya. Pagdating talaga sa politika seryoso siya. Sa susunod na taon, tatakbo siya bilang Senator at ako naman ang gusto niyang maging Governor dito sa city namin.
"I will, Tito," tipid akong ngumiti. Lumapit naman siya at marahang pinalo ang balikat ko.
"Well, that's great! You never really failed me, Lorenzo. Balitaan mo na lang ako ah? Dapat matapos na ang tulay bago ang eleksyon. Naipa-consult ko na kasi 'yan kay Mr. Cinco," ani Tito. Si Mr. Cinco ang political consultant ni Tito sa tuwing tatakbo siya sa eleksyon.
"Nga po pala, Tito. I am just wondering, ayos lang po ba na tumakbo ang isang architect sa politics? Hindi po ba dapat isa siyang abogado or basta may alam sa batas?" kuryoso kong tanong. Bahagyang natawa si Tito.
"Marami ka pang kakaining bigas, Enzo. Pupwedeng tumakbo ang kahit na sino. Mas malakas ka nga lang kung may kapit ka. Ako ang bahala sa'yo." Matapos niya akong bigyan ng advice ay tumayo na siya, naghahanda nang umalis.
"Did you have lunch? Naka-schedule ang lunch date niyo ni Gillian ngayon hindi ba?" pagkukumpirma niya? "Opo."
Pati ang personal kong buhay ay gusto niyang pasukin. Sa totoo lang, wala talaga sa bukabolaryo ko ngayon ang pakikipagrelasyon. Gusto kong mag-focus sa trabaho ko bilang isang Architect. Ngunit kailangan ipagkasundo ako kay Gillian Sanchez, para maging matunog ang pangalan ko ngayong papalapit na ang eleksyon. Wala naman akong magawa dahil ayon ang gusto ni Tito. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
Teen FictionEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...