"Eresel, mayroong meeting ulit mamaya. Pwede bang paki-prepare na lang ang copies ng report?"
"Sure po, Ma'am," tugon ko at agad namang ginawa ang utos niya.
Naging abala ako sa sususnod na oras, hindi man ako part ng shareholders at investors, kinailangan pa rin na nandoon ako para sa minutes of the meeting.
"Before we formally start the meeting, I would like to welcome our new investor Napal's soon-to-be Mayor, Architect Raiden Lorenzo Go with his wife Ms. Giselle Sanchez-Go," ani Ma'am Precy. It can't be, right?
Hindi na ako makagalaw sa upuan nang makita siya papasok sa conference hall namin. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa papel at clipboard na hawak-hawak ko. Hindi naman niya ako mapapansin, diba? Andito na ako sa pinakagilid, hindi rin naman malapit sa pintuan.
Nagkaroon muna ng kaunting break pagkatapos i-discuss ang mga reports. After ng break, tsaka na magkakaroon ng chance ang mga shareholders at investors na magbigay ng comments at suggestion.
"Nasaan si Clayton?" tanong ni Ara, isa sa ka-office mate namin. Andito kasi ako ngayon sa pantry, tinutulungan niya ako maghanda ng snacks.
"Sorry, Ara. Hindi ko alam e? Wala ba sa cubicle niya?" tanong ko, pertaining doon sa lamesa kung saan nagtatrabaho si Clay. "Ah, wala eh. Sige, salamat!"
Tuwing nawawala ang isang iyon, sa akin na lang sila palagi naghahanap. Mukha ba akong amo ni Clayton?
Nauna na siya na magbigay ng sandwhiches sa mga bisita doon sa conference hall. Naiwan naman ako kasi hinihintay ko pa na iyong kape.
"Psstt.."
"Ano nanaman, Clayton?" inis kong tanong sa kanya. Ganyan lang ako sa tuwing kinukulit niya ako, inaasar ko lang din siya.
"Eto na pala yung schedule ng training ng mga workers, sa cafe na handle natin," sambit niya at ibinigay ang document sa akin.
"Teka, ikaw na gumawa ng sa cafe na handle ko?" tanong ko. "Oo nga, ulit-ulit?"
"Ano meron? Nakakahiya naman. Gusto mo ba ng libre?" tanong ko habang patuloy sa paghahalo ng kape at creamer. "Baliw hindi. Kailangan ba palaging may kapalit? Hindi ba pwedeng kusa ko naman 'yan ginawa?"
"Okay sige, sabi mo eh," natatawang kong sambit. Lately, nagiging ganyan si Clayton. Parang masyadong mabait, masyadong maalalahanin. Iyong dating attitude niya towards me ay mas lumalala pa. "Punta pala ulit tayo sa cafe mamaya. Busy ka ba?"
"Hindi. Sige, sama ako," aniya at tinulungan na ako sa paghahanda ng mga cups.
"Uhh.." Napatingin kami ni Clayton sa nagsalita. Sa sobrang gulat ko, natapon ko ang kape at worst naibuhos ko pa iyon sa kamay ko na nakapatong sa table.
Agad namang kinuha ni Clay ang kamay ko at tinapat iyon sa cool running water sa sink. Nakita kong aligaga siyang naghahanap ng first aid kit. Hindi pa malaman kung hahawakan ba ang kamay ko o lalayo sandali para maghanap ng first aid kit sa cabinet.
![](https://img.wattpad.com/cover/280052810-288-k468436.jpg)
BINABASA MO ANG
It Might Be You
Teen FictionEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...