"Eresel, pakidaan na lang 'yong bagong branch mamaya ah? Patulungan sila na mag-manage ng inventory doon. Baguhan pa lang kasi eh."
Kagaya nang nasabi sa akin, andito na ako ngayon sa head office ng Moon Cafe and Restaurant. Saktong pagkatapos ng graduation, ay dumiretso na rin ako sa trabaho.
"Noted po, Ma'am. Update ko na lang po kayo sa mga kaganapan sa bagong branch," masigla kong tugon. Hindi ko aakalain na nae-enjoy ko ngayon ang pamamahala sa business.
"That's great to hear, Eresel. Ikaw na ang bahala sa branch na 'yon, ah? Naka-assign ka doon."
Ilang buwan na ako dito sa head office, pero hanggang ngayon ay nasa adjustment period pa rin ako. Mabuti na lang at mabait ang boss at mga katrabaho ko. Sobrang welcoming sila tsaka matulungin sa bagong katulad ko.
"Oh, uuwi ka na?" tanong ni Clayton. Oo, kasamahan ko din siya sa trabaho ngayon. Ibang branch naman ang naka-assign sa kanya at magi-isang taon na siyang nandito.
"Hindi pa, bibisitahin ko pa iyong bagong branch sa may bayan," tugon ko. Naging abala ako sa paghahanda ng mga papeles para sa inventory.
"Ano, Clayton? Hindi ka ba busy? Pwes ako oo," sambit ko sa kanya. Narinig ko ang tawa niya. "Kalma madam. Eto na aalis na, ililibre na lang kita ng ice cream mamaya. Init ng ulo ni District Manager."
"Pareho lang tayong District Manager, hoy!" natatawa kong sabi sa kanya.
Nagiging transparent talaga ako kapag kasama ko 'to si Clayton. Iyong tipong hindi ko kailangan magkunwari, hindi ko kailangang maging prim and proper. Dahil alam kong tanggap niya ako bilang ako.
Pailing-iling pa si Clayton habang bumalik sa cubicle niya. Ewan ko ba bakit nagtataray ako, baka parating na din ang monthly visitor ko. Alam niyo na 'yon, girls.
"Mas makabubuti kung is-sort out niyo ang ingredients. Magkahiwalay ang dry at liquid at mas maayos din kung naka-by size ito," pagtuturo ko sa mga bagong salta sa branch.
As much as possible, part-time workers lang ang tinatanggap namin as contract workers. Pero iyong iba, regular na. Ang mga employees dito sa branch, lahat sila trainees dahil bagong bukas lang din naman ito.
"Narito pala nakalagay ang mga reports para sa inventory ah? Mag-assign kayo araw-araw kung sino ang magm-manage, rotation sana para lahat ay ma-experience," sambit ni Clayton. Napatango ako sa kanya.
"Good point. Thanks, Clay." Tinapik ko ang balikat niya. Nakarinig ako ng iilang panunukso, pero hinayaan ko na lang.
"Okay, time to work!" saad ko at tinapik sila isa-isa. Mabilis lang din naman kaming naging close dahil hindi naman sila mahirap pakisamahan.
Nakabantay lang kami ni Clayton sa counter habang tinitignan namin ang pagkilos nila. Sa tuwing kailangan nila ng guide, nakaantabay naman kami ni Clayton.
"Can't believe I'm managing a coffee shop now," I said out of nowhere. Pareho kaming nasa counter ni Clayton at gumagawa na rin ng drinks. Madami kasing customers ngayon eh.
"Bakit pangarap mo ba?" tanong ni Clayton habang nilalagyan ng lid ang cups. "Hmm, I would consider that."
"Akala ko ba, singer?" tanong niya. Nagulat ako. Naalala pa niya 'yon?
"Oh, nagulat siya! Syempre naman naalala ko pa. Ano akala mo sa'kin? Bata bata ko pa parang maging ulyanin."
"Sir Clay, gusto ni Ma'am Eresel maging singer?" tanong ni Bella, isa sa cashier namin. Tumango sa Clayton at tumawa.
"Sample ka sa stage, Ma'am Eresel. Sige na please."
"Miss kanta ka na!"
"Go na, Air. Baka ma discover ka pa," pagpapaunlak ni Clayton.
Ayon onting pilit lang at pumayag naman ako. Papakipot pa ba ako? Miss ko na rin naman kumanta eh.
"Paper planes and porcelain
Smell of rain through the window pane
And the sight of you
Oh, you were a good dreamI was scared to lose you then
But secrets turn into regrets
Buried feelings grow
Oh, you were a good dreamWas there a lifetime waiting for us
In a world where I was yours?
Was it the wrong time, what if we tried
Giving in a little more?
To the warmth we had before."Walang kupas. Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako sa tuwing kumakanta siya. Hanggang ngayon, ang boses pa rin niya ang paborito kong pakinggan.
"So what do you think, Architect?" tanong ni Engineer Ramirez. Oh shit, I wasn't listening.
"I..I kind of get lost along the way. Kindly explain..this to m-me," nauutal ko pang sabi habang tinuturo ang blue print.
For a moment, hindi ako sigurado sa kung tama ba ang ginagawa ko. Ganoon pa rin talaga kalakas ang epekto ni Eresel sa akin.
After talking about the blueprint, pinag-usapan naman namin ang pags-schedule. Para magtugma at pareho kaming free sa tuwing bibisitahin ang site.
"Excuse me, sir. Do you still need anything?" tanong ng isang waiter na lumapit sa'min.
I was about to say na we don't need anything so she can proceed to what she is doing, pero biglang nagsalita si Engineer.
"Yeah, actually I want to know the name of the one who sang earlier. Is she single?" Engineer Ramirez asked playfully.
Nandilim ang paningin ko sa kanya nang marinig iyon. I was frustrated, my jaw clenched and I was trying to so hard not to punch him right now.
"Actually, Engineer. I think we still have some things to take care of," madiin kong sabi. He just shrugged at umalis na din agad 'yong waiter.
Sa mga susunod na sinabi niya, hindi na ako nakinig. There's no point. I don't want to hear him as well.
"I don't like the idea," sambit ko. Napatigil siya at halatang nagulat.
"Architect?" tanong niya. Yes, Engineer. Tama ang pagkakarinig mo.
"I'm declining your offer, Engineer. Making that kind of structure would be hard, especially we don't have available materials. Kung mago-order naman sa ibang bansa it will take months to arrive, hindi pa aabot sa eleksyon."
I successfully adjourned the meeting, with me declining his offer. That's right, kilalanin mo dapat kung sino ang binabangga mo.
Upon going out of the cafe, there I saw Eresel talking to someone over the phone. I immediately went to her without thinking. Mabuti na lang at napapayag ko siyang ihatid ko sa bahay nila.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya nang biglang tumugtog ang Ride Home. Naalala ko pa noong tumugtog iyon habang magkayakap kami.
"Oo naman," pilit ang ngiti na ibinigay niya sa'kin.
Tahimik lang kami buong biyahe. I guess the less we talk, the better. Baka ano pa ang masabi ko at mabigla siya sa akin.
"Dito ka pa rin pala? Akala ko lumipat ka."
"Ah oo," tipid niyang sagot. Agad naman niyang binuksan ang pintuan ng shotgun seat. Lumabas na rin ako agad para ipagbuksan pa siya.
"Thanks. Una na ako, ingat ka," sambit niya. Wala na bang "mag text ka pag-uwi mo ah?" nami-miss ko na kasi iyon eh.
"Goodnight, see you around." Ayon na lamang ang tanging nasabi ko. I want to see you again, my love. I miss you so damn much.

BINABASA MO ANG
It Might Be You
Fiksyen RemajaEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...