15

8 0 0
                                    

"Marunong ka pala magluto?"



Magkatapat kaming nakaupo sa inihanda niyang lamesa. Mayroong pesto pasta at chicken wings na nakahain.



"Sakto lang. Iyong wings inorder ko na lang, tapos ako na nagluto ng pesto pasta," ani Enzo habang nilalagyan ng pesto pasta ang plato ko.


Bago ko pa makalimutan, nilagay ko na rin ang isang box ng cupcake na dala-dala ko. Ngumiti naman siya at sinabing excited ng tikman ang gawa ko.



"Ang presko pala dito 'no?" pagtatanong ko. Malamig kasi ang hangin at maganda ang view dahil kitang-kita ang mga naglalakihang building mula sa rooftop ng apartment niya.




"Oo, dito nga ako palaging tumatambay e. Ayos na sa akin na natatanaw ang mga building, pakiramdam ko nawawala ang mga problema ko kahit panandalian lang."



I gave him a small smile. I admire how he handles his problem. Minsan lang siya magsalita, pakiramdam ko nagiging madaldal lang siya kapag ako ang kausap niya. He is..cute.




"Ang sarap ng pasta!" I gave him a thumbs up. Ngumiti siya sa akin. "Talaga?"



"Oo, pwede ka na ngang magtayo ng restaurant e," tugon ko. He chuckled. "Matagal tagal pa."


Pagkatapos namin kainin ang inahain niya, binuksan ko na ang box ng cupcake na dala-dala ko. Baka makalimutan pa namin e.



"Ay oo nga pala, I know you would be proud of me if you hear this," excited kong sabi. He leaned closer to the table, handa nang makinig sa sasabihin ko.



"I baked a lot of cupcakes today, intentionally. Then I decided to give the rest to the people outside our village."



Nanlaki ang mata ni Enzo. "Really? That's great! I am proud of you, Air." Inilahad niya sa'kin ang kamay niya at nakipag-apir.


I am genuinely happy. Enzo did not change me, Enzo made me realized that I can be so much more.



Nagdaan ang oras at nagkwentuhan lang kami. Sinabi niya sa akin ang work schedule niya at ibinahagi ko naman ang hobbies at routine ko.

"Let me help you with that," I offered. Lumapit ako sa kanya para tulungan siyang magligpit.



"Huwag na, bisita kita e." Enzo hesistated but I insist. Kahit hindi siya pumayag tinulungan ko siyang magpunas ng lamesa habang nagwawalis naman siya ng paligid.


Bigla na lamang may tumugtog mula sa isang maliit na bluetooth speakers. Si Enzo pala iyon, balak sana niyang magpatugtog habang naglilinis kami.


"Feeling like I'm runnin' away
Never had the chance, chance to say
I can say that loving you is easy
I don't need to prove a single thing
Somewhere along the way I guess you got under my skin
I put all my cards out on the table
You ain't ever gonna show your hand
I would rather hold you close than try to understand."




Hindi ko namalayan, napakanta na pala ako at napasayaw pa nang kaunti. Napatakip ako sa mukha ko nang marealize kung ano ang ginawa ko.



I heard Enzo chuckle. "You are a great performer, Air."



"Wait, why did you laugh? Are you being sarcastic?" I scoffed at him.




Unti-unti niya akong nilapitan hanggang sa mapaatras na ako at maramdaman ang lamesa sa likuran ko. Napapikit ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin.




It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon