"Come on, Air. Please, let's talk."
Hinila ko siya at lumabas kami sa Cafeteria. Dinala ko si Enzo sa may hagdanan hindi kalayuan kung nasaan ang cafeteria. Wala namang makakarinig sa'min dito dahil busy mag-lunch ang ibang estudyante.
"Totoo ba 'yon?" tanong ko. "Air.." he tried to reach my elbows pero nagpumiglas ako.
"Totoo ba na ie-engage na kayo ni Gillian Sanchez? Answer me, Lorenzo."
I waited for him to answer, ngunit binalot lang kami ng katahimikan. Nakatungo lang si Enzo buong minutong iyon, hanggang sa unti-unti siyang tumango.
"Kailan pa? Alam mo na bago mo pa ako ligawan?" tanong ko.
"Noong araw ng event, doon lang sinabi ni Tito sa akin. I declined immediately, kaya nga nasa tabi ako ni Tito imbes na sa tabi ni Gillian. But of course, Tito Limuel wouldn't listen to me. He still insisited, but I wouldn't let that happen, Eresel. You know me."
Sapat na ba iyon? Sapat na nga ba talaga ang mga salita niya.
Napalayo ako sa kanya nang magsidatingan ang grupo ng mga estudyante. He noticed it and he let me do what I want.
"I don't really know, Enzo. Please give me time to think," sambit ko sa kanya at bigla na lang umalis.
Hindi ko aakalain na magagawa ko 'to sa buong buhay ko. Ang mag cut ng classes at umuwi ng maaga.
"Ma'am Air? Ang aga po pala ng uwian niyo ngayon?" tanong ni Manang. "Masama lang po ang pakiramdam ko."
I changed into my grey hoodie and grey sweatpants. Magdamag lang ako na nanonood ng movies at pinatay ko din ang cellphone ko.
"What are you doing?" bungad ni Ate. Six o'clock na pala ng gabi. Hindi ko na napansin ang oras, dahil nakatakip na ang black out curtains ko sa binta imbes na naka open lang.
"I'm watching a movie." Obvious ba?
"So ano ngayon? Magmumukmok ka dyan, Eresel? Just because of a damn guy?" tanong ni Ate. Hinila niya ako patayo sa pagkakaupo sa kama ko.
"Get change. We're going somewhere," ani Ate tsaka umalis sa kwarto.
Hindi pa din tayo ako tumayo sa kama nang sabihin iyon ni Ate. Wala akong energy ngayon. I just want to stay in my bed.
"Eresel!" she exclaimed. She sure knows na hindi pa ako tumatayo sa kinauupuan ko.
Irritated, I changed from my pajamas to a pink sleeveless silk dress that is over my white turtleneck longsleeves. I'm too lazy to wear heels so I just got a pair of my Hermes Oran Sandals.
Lumabas na ako ng kwarto. Napansin kong kababa lang din ni ate sa hagdanan. I saw her from the second floor's foyer.
"Looking lovely ladies, where are you going?" Mommy asked. Kagagaling niya lang sa office. Yes, meron silang office room ni Daddy dito sa bahay.
"We're meeting with our friends, Mom," tugon ni Ate. Nilingon niya ako na kababa lang ngayon sa hagdanan. Ate Alie gave me a thumbs up.
"Friends? Kailan pa kayo nagkaroon ng friends? Need I remind you how people may take advantage of your status?" si Daddy na kalalabas lang din sa office niya.

BINABASA MO ANG
It Might Be You
أدب المراهقينEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...