"Kaaway daw ni Sir Elliott ang may kagagawan ng pagsabog."
Pababa ako sa hagdanan para sana puntahan si Daddy sa office at pakiusapan na magpahinga muna. Nang marinig ko ang usap-usapan ng mga kasambahay namin.
"Dahil ba sa politika ito?" narinig kong tanong ni Manang.
He was inside his office for days, panay ang inom ng alak. Mabuti nga at naasikaso pa rin niya ang imbestigasyon.
"Manang.." Natigil ang pag-uusap nila nang marinig ako. "Kumain na po ba si Dad?" Umiling lang si Manang.
"Ma'am Eresel, ayaw daw po magpapasok ni Sir Elliott sa office niya ngayon," sambit ni Manang.
Pwede naman akong exemption doon hindi ba? Anak niya ako. Namatayan din ako, dapat nagdadamayan kami. Hindi niya dapat sinasarili ang problema.
Bumuntong hininga muna ako bago ako kumatok sa office ni Daddy. Nakita ko siya na nakahilig ang ulo sa lamesa, mukhang natutulog. Napansin kong gumalaw siya ng kaunti nang marinig ang pagbukas ko ng pinto.
"Sabi ko huwag magpapasok sa opisina ko, hindi ba?" sabi niya nang may awtoridad. "Dad.."
"Eresel, umalis ka muna dito. Hayaan mo muna ako," ani Daddy. Nakaayos na siya ngayon ng upo. Halatang puyat na puyat na si Daddy. I want to help him, but he doesn't want to.
"Eresel!" sigaw ni Daddy dahil sa pagpupumilit ko na pumasok sa opisina niya. Binasag niya ang basong may laman pang alak. Nanginig ako ng gawain niya iyon. He can't hurt me, right?
Nang marinig ng mga body guards ni Daddy ang ingay mula sa loob ng opisina, ay agad nila akong nilapitan para palabasin.
"Bitawan niyo ako! Kaya kong maglakad!" Agad naman nila akong binatawan at hinayaan na makalabas ng office ni Dad. Imbes na dumiretso ako sa kwarto ko, ay dumiretso ako sa kwarto ni Ate Alie.
"I miss you, ate. I should've gone there with you."
Months have passed and I am still grieving. Himala na nga lang at nakakayanan ko pang pumasok. I have no choice, I need to finish this degree.
"Pasensya na, mahal. Hanggang ngayon hindi pa rin nabibigay ang sweldo namin." Rinig kong sabi ni Mang Rey. Kausap niya ata ang asawa sa phone.
Agad siyang nagmadali na putulin ang pag-uusap nilang mag-asawa nang makita ang pagdating ko. I've been hearing our house help, body guards, and drivers na hindi pa nga din nabibigay ang sweldo nila. Ang alam ko assistant ni Dad ang nagaasikaso noon, inaaprubahan muna ni Mommy at Daddy bago ipamigay.
Tahimik lang kami ni Mang Rey habang papunta sa school. Nahihiya ako sa kanya dahil hindi pa rin nasusuklian 'yong pagtatrabaho nila sa amin. Nang makarating kami sa school ay hinarap ko muna si Mang Rey bago pumasok sa gate.
"Mang Rey, pasensya na po talaga na hindi pa rin nabibigay ang sweldo niyo. Gagawin ko po ang lahat para makausap si Daddy tungkol dyan."
Napansin ko ang pagkagulat ni Mang Rey. "Salamat, Ma'am Eresel. May sakit kasi 'yong isa kong anak, kaya napatawag na si Misis. Salamat po talaga."
Habang papunta sa classroom, pinagtitinginan pa rin ako ibang tao. It was as if they are looking at someone who hasn't received love her whole life. It made me uncomfortable, I don't want to be in the spotlight. Ayokong kaawaan at pag-usapan ako.

BINABASA MO ANG
It Might Be You
Teen FictionEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...