"Eresel Serene, bilisan mo ah!"
Papalabas na sana ako ng kwarto nang maalalang i-check ang email ko. Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa iyon. Nasanay na lang din siguro.
Email from: go.raiden@email.com
Great day, Air!
I hope this email finds you well. I have read and thoroughly checked the paper that I require you to accomplish. Thank you for doing it with great quality. I hope that by this time you have already eaten your breakfast. Enjoy the rest of your day. See you on school :)
Sincerely,
Raiden Lorenzo A. Go
Napangiti ako, ang pormal naman niya masyado at ang ganda din ng pirma niya. Ganito na pala ang bagong pamamaraan ngayon, sa bagay hindi rin namin alam ang cellphone number ng isa't isa.
"Air, look! Mom gave me a new credit card. A freakin' black credit card," masiglang sabi ni Ate.
Hilaw akong ngumiti kay Ate. So, a new black credit card huh? Saan nanaman nila nakuha 'yan? Ilang tao nanamam ang niloko nila? I'm honestly scared. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin sa ngayon.
"Binyagan natin 'tong card ko, Air. My treat. Choose anything that you want," ani Ate pagkapasok sa isang clothing store.
"Marami pa naman akong damit na hindi pa nasusuot, Ate. Ayos na ako sa ganoon," tugon ko. Kumunot ang noo niya sa'kin. "Sure ka?"
Nang samahan ko na siyang magbayad sa counter, bigla siyang nagsasalita habang inaayos ng cashier ang mga pinamili niya.
"Is there something wrong, Air? Dati naman gustong-gusto mo na nags-shopping tayo. Ngayon wala kang nabili."
"Tinignan ko kasi ang closet ko bago tayo umalis, Ate. Napansin kong ang dami ko pang damit na hindi pa nasusuot ko. Sayang naman."
Kinabukasan, tumambay kami nina Janelle at Rupert sa batibot habang naghihintay kay Clay. Wala pa naman kaming klase lahat.
"Hello, earth to Air? Ay teka ang weird pala no'n."
Ngayon lang ako nabalik sa wisyo doon nang marinig ang tawa ni Janelle. Natawa siguro siya sa sinasabi niya na hindi ko naman narinig kung ano ang sinabi niya.
"Akala ko Jan nagiging airbender ka na e," ani Rupert.
"Tangek, tinatawag ko lang 'to si Air na kanina pa nakatulala," pagpapaliwanag ni Janelle. "Anong ba nangyari sa'yo? May problema ba?"
"Jan, ano ba dapat ang gawin kapag may nag-confess sa'yo?" pagtatanong ko.
"Kapag nag-confess ng kasalanan nila Air, tingin ko dapat kang kilabutan," tugon ni Rupert. Marahan kong hinampas ang braso niya. "Siraulo."
"Oh my gosh! Bakit may nag-confess ng feelings nila sa'yo, Air?" excited na tanong ni Janelle. Hindi ko sinagot at tipid lang akong ngumiti.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
Teen FictionEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...