02

25 0 0
                                    

"Nakapili ka na ng club?"



Dito na lang kami nagkita ni ate sa parking. Pagkapasok na pagkapasok sa sasakyan ay ayon agad ang itinanong niya.




"Ah, oo," tipid kong sagot. Sana huwag na niyang busisiin pa. Ayaw kong malaman ni ate na ganoong klaseng club ang sinalihan ko. Baka isumbong pa niya ako kay Daddy. "Well, that's good, Air. Madami kang makikilala sa clubs mo. You can find friends."



Pagkauwi ay dumiretso na kami sa kanya-kanyang kwarto para magpalit ng pang-bahay at gawin ang homework. Maya-maya ay tinawag na kami para sa dinner.




Nagsuot lang ako ng black graphic shirt at maong shorts bilang pang-bahay. Saktong pagkalabas ko ay lumabas na din si ate Alie. Magkatapat lang kasi ang mga kwarto namin pero magkaibang hall. Ang daan ng kanya ay nasa kaliwa kapag umakyat ka ng hagdan, sa'kin naman ay nasa kanan. Nasa gitna naman ang kwarto nina Mommy at Daddy.





"Good evening, girls," bati ni Dad pagkarating namin sa Dining Area. Nagbeso naman kami sa kanya at kay Mommy. Sa hapag kainan, si Daddy ang nasa pinakadulo at katabi niya si Mom. Ako naman ang nasa kanan ni Mommy habang nasa tapat ni Mom si Ate.





"As usual we'll be attending a gathering, girls. Sa saturday na iyon, kaya wala tayong time makapagpagawa ng masusuot ninyo. Bumili na lang kayo sa mall sa darating na Thursday para hindi gahol sa oras," sambit ni Mom pagkatapos inumin ang red wine na nakahain.




"Yes, mom," sabay naming sagot ni Ate.





Pagkarating ng thursday, ay pumunta na kami sa mall ni ate nang matapos ang klase. Binisita namin ang favorite boutique namin na pinagbibilhan namin ng damit.






"Hi, Ms. Adi!" excited kong bati sa designer namin. Magmula bata ay siya na ang gumagawa ng damit namin. "Hello to the beautiful, Serenes!" nagbeso kami.





"Nasabi ni Mrs. Alcantara na sa Saturday na pala ang event? Buti na lang may mga naka-prepare na kami. Here, it's our collection for this month," ipinakita ni Ms. Adi ang new dresses at gown na nakalagay sa isang clothing rack.





"Thank you, Ms. Adi!" excited na sabi ni Ate at namili na ng dress na susuotin niya.




Isang beige dress na tinatali ang nasa bandang shoulders ang napili ko. Si Ate Alie naman ay emerald green halter backless dress.




"Grabe ang gaganda talaga!" papuri ni Ms. Adi habang pumapalakpak pa.




Binili na namin ang mga dress na napili namin kanina. Kakalabas lang namin ng boutique ng makasalubong namin si Clayton na mukhang pumunta rin dito sa mall para mamili.





"Uy, andito pala mga idol ko!" sabi ni Clayton. Nakipag-apir naman siya sa'min ni Ate. Natatawa kaming tinanggap iyon. "Bakit ka andito?" kuryosong tanong ni Ate.






"Ah, may binili lang. Kumain na kayo? Ice cream tayo!" masigla niyang sabi. Sinundan namin siya hanggang sa makarating kami sa ice cream shop. Ang shop ay may 31 flavors na recommended for 31 days bawat month.






"Ano sa inyo?" tanong ni Clay habang nakatingin sa menu. "Mint chocolate Chip!" masiglang sigaw ni Ate Alie.






"Yuck! Nakain ka ng toothpaste?" ani Clay. Natawa naman ako. Hindi rin talaga ako fan ng mint chocolate. "Ang sama mo, Clay!"





"Jamoca Almond Fudge sa'kin," sambit ko. Lumapit na siya sa cashier para sabihin ang order. "Uy bayad daw," lingon niya sa'min.






It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon