"What were you thinking? You are tainting our name, Lorenzo!"
Pinatawag pa talaga ako ni Tito Lim sa office niya para pagsabihan. Nalaman kasi niyang ginalaw ko ang savings ko para magbigay ng sweldo sa mga trabahador nina Eresel.
"My savings went to the persons who deserve it, Tito. I know what I'm doing," malaming kong tugon.
"Akala mo lang alam mo, Enzo. Diyan magsisimula iyan, masasanay 'yan. Hanggang sa maubos ang pera mo! Mauubos ang pinaghirapan mo, sige!"
Naririndi na ako sa mga paratang ni Tito. Akala ba niya wala akong plano at agad-agad lang akong nagdedesisyon? Alam ko ang ginagawa ko.
Nagsimula na akong makatanggap ng mga insurance na ipinangalan sa'kin nina Papa at Mama noong bata ako. Kaya sigurado ako na kung ano man ang perang ilalabas ko, mayroon naman ding babalik.
"Tigilan mo na ang pagiging matigas ang ulo, Lorenzo. Isipin mong madadamay ako sa mga pinaggagawa mo. Kaya ngayon ako ang masusunod."
Tahimik lang ako. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Tanging ang kapakanan niya lang naman ang iniisip niya. Wala na akong panahon para intindihin pa si Tito. I'm not in the right position to think about his accusations. I want Eresel back.
Biglang may kumatok sa pintuan ng office ni Tito. Si Ms. Janette, ang sekretarya niya.
"Vice Gov, Congressman Sanchez is here with his daughter," aniya. Agad namang pumasok si Mayor Sanchez kasama nga ang anak niya.
Biglang nagbago ang mood ni Tito. He went from being an angry bird to a welcoming person.
"Nice to see you, Congressman. Good thing my nephew is here today," sambit niya at tinuro pa ako. Nilakihan pa niya ako ng mata at pinapahiwatig na batiin ko rin sila.
"Good day po," plastic akong ngumiti. Napansin kong todo ngiti naman sa'kin ang anak niya. Sino nga ito? Julian? Julia? Jessa?
"Still a handsome guy, Raiden. Gillian, anak. Come say hi to this young man," sambit niya at marahang tinapik ang balikat ng anak.
"Nice to see you again, Raiden," aniya at iniabot ang kamay sa'kin. Tinanggap ko naman iyon bilang respeto.
Naging abala sina Tito Lim at Congressman sa mga susunod sa oras sa pag-uusap. Hindi ako pwedeng umalis ngayon dahil hindi lang ako and pag-iinitan niya mamaya kundi pati na rin ang secretary at body guard niya. Ayokong madamay sila.
"So, I guess we can plan the engagement party now?" tanong ni Mayor. I knew it. Tito Lim would do everything just so I wouldn't end up with Eresel. Of course, he has the power to do so.
Tahimik lang si Gillian at nakangiti sa'kin. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung anong stand niya tungkol sa engagement na ito. She barely knows me, ganoon rin ako sa kanya. Maaring napipilitan lang din siya, ay takot na suwayin ang Daddy niya.
Nagkunwari akong kukuha ng kape at merienda namin para makalabas panandalian sa opisina ni Tito. Nasu-suffocate ako sa idea na hawak pa rin talaga niya ang buhay ko. Kahit anong gawin ko, siya palagi ang sumusunod. Do I deserve this?
"Hey.." bati ni Gillian. Sinundan pala niya ako dito sa floor pantry ng office ni Tito. Bawat floor kasi sa kompanya ay mayroong pantry dahil iba't-ibang department naman ang nasa bawat floor.
"Hi," tugon ko. Agad akong nagkunwari na magtitimpla ng kape kahit tubig lang talaga ang gusto ko. Ayon kasi ang ipinaalam ko sa kanila kanina.
"So, buti naman pumayag ka na? Ayoko na rin kasi patagalin, para sana matapos na. Dad can't stop bothering me."
Mula sa paglalagay ng creamer ay napatingin ako sa kanya. So she doesn't want to be engaged too, huh. That's good, we're on the same boat.
"Surprising, right? I have a boyfriend, just so you know. Balak ko lang patagalin ang engagement natin, hanggang sa mag-give up na sila dahil ayaw pa rin natin magpakasal." She sound as if she knew everything. Tahimik lang akong naghahalo ng kape at nakikinig sa kanya.
"Then your Dad and my Tito wouldn't stop bothering us to get married. Who knows, they may even plan the whole wedding for us. Hindi effective ang plano mo," tugon ko. I saw her rolled her eyes. "So what's your plan, then?'
"Have an illegal civil wedding. Ang mga papeles natin ay hindi totoo, miski ang magkakasal sa'tin. Tayo lang ang makakaalam nito, I know a way." She looks impressed with my plan.
"You truly are a Go. You know how to do dirty works," aniya.
Kagaya ng napag-usapan namin ni Gillian at sinang-ayunan nina Tito, pumayag na sila before na after ng graduation namin pareho ang engagement party. And a year after that tsaka namin ipagpapatuloy ang "kasal" namin.
"Congratulations, Sir Enzo!"
Kanya-kanyang pagbati ang ibinigay nila sa akin. Ang mga body guards, secretary, at iba pang employees ni Tito.
"Looking forward to working with you, Architect Go," sambit ni Architect Aquino, Architect Head sa kompanya namin. "Likewise, Architect."
Sobrang bilis ng panahon, parang dati abala lang ako sa mga activities sa club. Ngayon, ang paga-apply na sa trabaho ang inaatupag ko.
"Congrats, Architect!" masiglang sabi ni Gillian. Nagbigay pa siya ng regalo sa'kin. "I think you're fond of perfumes. Nang maamoy ko 'yan, ikaw naalala ko."
"Really? Thanks," tipid kong sagot.
Nakaupo lang ako sa tabi habang busy si Tito sa pagaasikaso ng mga bisita. Akala mo siya ang nakapasa sa Licensure Exam e.
"Paano ba 'yan? Graduate na tayo pareho," paalala ni Gillian. Tinignan niya pa ang phone niya, nasa wallpaper niya ang phone ni Byron na nakatalikod, boyfriend niya.
"By the end of the month," tugon ko. Pareho lang naman kami na gustong matapos na ang pangungulit ng mga matatanda. Bago matapos ang buwan na ito, itutuloy na namin ang engagement party.
"Wow! Didn't know you'd end up together!" ani Isabelle, iyong anak ng Mayor.
"Me too," tipid na sagot ni Gillian. Napatingin pa siya sa'kin, animo'y sinasabihan ako na makisama.
Tipid lang akong ngumiti kay Isabelle. "Who wouldn't fall for Gill, right?" I winked at her. She let out a small smile.
"Okay okay, bye for now lovebirds!" agad namang umalis si Isabelle.
Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako mapakali. It was almost a year since I saw her. At the moment, I'm even imagining that she would show up, stop this engagement, and scold me for leaving her.
"Have you guys talk?" biglang tanong ni Gillian. "Eresel," aniya nang hindi ko pa rin siya sinasagot.
Umiling lang ako. "You should talk. Explain your side."
"I don't know. There's no point," tugon ako at uminom ng whiskey.
"If she loves you, she'll listen. Kulang lang sa lambing 'yan," natatawang sabi ni Gillian.
"I'll talk to her in time. Maybe not now." Gusto niya ng space, I'll respect her decision. But I still love you, Eresel. I want you back in my arms again, my love.
![](https://img.wattpad.com/cover/280052810-288-k468436.jpg)
BINABASA MO ANG
It Might Be You
Teen FictionEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...