31

13 0 0
                                    

"Pakitignan na lang iyong schedule niyo na naka-post doon sa bulletin board natin. New week, kaya new rotation sa duties."





Sa buong linggong ito, dito ako diretso sa Cafe papasok. Natapos ko na din kasi ang paperworks sa office, at ini-schedule talaga ni Ma'am Precy na dito muna ako ngayon para magbantay sa mga workers.





"Yes, ma'am!" At hindi ko rin alam kung bakit nandito din 'tong isang 'to.








"Clay, saan ka ba magbabantay? Doon sa cashier or sa may kitchen?" Bukod sa cafe, may restaurant din kasi kami. Onti lang naman ang food choices sa restaurant dahil mas focus talaga namin ang drinks at pastries.








"Ikaw ba? Kahit saan ay okay ako," tugon niya. Naisip kong sa kitchen na lang muna ako magbabantay dahil noong mga nakaraan ay ako na ang nasa cashier.








Naging sobrang busy kami nang sumapit ang lunch time, mas dumami kasi ang tao. Sanay na kami sa tuwing lunch time ay halos natataranta kami dahil sa dami ng orders, kaya ang iilang workers ay past lunch time na talaga nakakakain.








"Great job ngayong lunch time! Mamaya ulit sa dinner time baka dumami ang mga tao. Mag-break o magpahinga na ang iba, dadating na rin ang susunod na shift," sambit ni Clayton.











Tumatanggap at pina-prioritize ng Cafe ang mga workers na part-time, sa paraang iyon kasi makatutulong kami sa mga working student. Maganda ang pangitain ng kompanya kaya dito ko rin napiling mag-internship noon.








"Kumain ka na, Clay?" tanong ko. Maaga kasi akong nagising kanina kaya nakagawa pa ako ng egg and ham sandwhich.








"Hindi pa nga eh. Nagugutom na ako, pero kasi wala pang magbabantay dito sa cashier," tugon niya. Andito na kami pareho sa cashier dahil break time ng mga workers doon sa kitchen.








"Gusto mo ako na muna dito? May sandwhich akong dala-dala doon sa bag," sambit ko. Alam kong alam naman niya kung nasaan ang bag ko.








"Hindi na, ayos lang. Sabay na lang tayo mamaya kapag nakarating na iyong next shift," ani Clay. Tumango naman ako at ngumiti.





"Ikaw ah, gusto mo ba kasabay ako kumain?" pangaasar ko.








"Syempre..hindi! Baka ubusin mo pa ang sandwhich ko 'no," tugon niyang natatawa. Kinurot ko siya sa tagiliran. Ang isang 'to talaga!








"Uhh..excuse me," saad ng customer. Napaayos kami ng tayo ni Clayton sa cashier.











"Hi, can I take your-"








Nagulat ako nang makita ang customer na mago-order sa harapan ko. What is he doing here? I mean hindi naman siya bawal dito, it's just that all of the cafe's bakit dito?








"One Iced Americano," malamig niyang sabi. "Would that be all, sir? We have pastries, you might want to add something?"








"I'm good. I can't take anything sweet today," sambit ni Enzo at napatingin kay Clayton. Napatingin din ako tuloy kay Clayton na nagsusulat ng order ni Enzo sa cup.








"Ano daw? Gusto niya pastries?" bulong ni Clay. Natawa tuloy ako, sa sobrang focus niya doon sa order hindi na niya narinig ang sinabi ni Enzo.








It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon