"Manang, aalis lang po ako. May bibilihin lang na ingredients para sa cupcake na ib-bake ko."
Pinahanda na ni Manang sa driver namin ang sasakyan na gagamitin ko, kahit sinabi kong ako lang naman ang aalis. Kaya ko naman mag-drive, hindi ko kailangan ng driver. Para sana makapagpahinga din si kuya Rey.
"Nasa kwarto pa po ang Mommy niyo, Ma'am Air. Ang daddy niyo may breakfast meeting. Aabisuhan ko na lang ho sila," ani Manang.
"Salamat po. Babalik din po ako agad," tugon ko at sumakay na sa Audi Q5 na binigay sa'kin ni Daddy.
Tig-iisa kami ng SUV, may family car at van din kami. Iniisip ko ngang ibenta na lang itong SUV ko, minsan lang naman din kasi nagagamit dahil family car namin ang palaging pinaghahatid at sundo sa'min ni Ate.
"Thank you po, Ma'am. Come again!"
Katatapos ko lang dumaan sa grocery dahil naisipan kong mag-bake ng cupcakes. Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng oras para dito.
"Salamat po," ani ko sa cashier. Ngumiti naman siya sa'kin.
"Are you Elliott's daughter, miss?" May isang matandang lalaki ang lumapit sa'kin habang inaayos ko ang sukli na binigay ng cashier.
Nabigla ako. Isang matandang lalaki nasa harapan ko ngayon, simple lang ang pananamit niya. White polo and black slacks tapos black shoes. Wala akong kasamang body guard, natatakot ako. Naramdaman ko ang unti-unting panginginig.
"Ah.." nag-aalangan kong sagot. Maari kasi siyang kaaway ni Daddy..ngunit pwede din naman na kaibigan lang.
"Yes po," sagot ko. Bahala na. Marami naman ang tao dito. Malalaman nila kung kikidnapin ako.
"Ah, I see. Bakit wala kang kasama na body guard? You're the governor's daughter hija, nararapat lang na may bantay ka palagi. Baka kung ano ang mangyari sa'yo..who knows."
Mas kinilabutan ako. Parang may pinatutunguhan 'yong pagsasalita niyang iyon. Nag-iisip na ako kung papaano ako makakalusot sa pag-uusap namin.
"Air!!"
Napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita sina Janelle at Rupert na papunta sa gawi namin.
"Excuse me, sir. I'm with my friends. Nice to meet you po," ani ko at binilisan na ang paglalakad papunta kina Janelle.
"Jan!" sigaw ko at niyakap siya. "Buti dumating kayo."
"Bakit? Sino ba 'yong kausap mo?" tanong ni Rupert. "Hindi ko na nga nakuha ang pangalan niya, pero sobrang creepy dahil kilala niya ako."
"Gaga! Syempre lahat makakakilala sa'yo, anak ka kaya ng gobernador," panloloko ni Janelle.
"Hindi e, basta may something. Parang may gusto siyang sabihin sa'kin, pero hindi niya masabi."
Napakamot ulo naman si Rupert. "Akala ko Lolo mo. Mabuti na lang talaga dumating kami. Lagot kami kay Cla—"
Hindi natuloy ay sasabihin ni Rupert ng batukan siya ni Janelle. Napakunot na lang ang noo ko sa dalawa. Parang last week lang ang awkward nila sa isa't isa. Ang dalawang ito.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
Roman pour AdolescentsEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...