38

10 0 0
                                    

"Sakto, may balak din sana akong puntahan sa Batangas."






Katulad ni Clay, nakapag-pundar na rin si Rupert ng sarili niyang sasakyan. At ayon ang ginamit namin papunta Batangas.




"Grabe 'no, parang kailan lang hirap na hirap tayo sa pagc-commute," ani Janelle na nasa shot gun seat. Ako ang nasa passenger's.






"Congrats, pert! Alam ko kung gaanong pagtitipid ang ginawa mo rito para makabili ka," komento ko. "Salamat, tol. Pwede mo naman ako gawing driver kapag busy si Clay."





Ito ang lubos kong ikinakatuwa sa mga kaibigan ko. Hindi ko man maitatago, galing ako sa may-kayang pamilya. Kaya ang magagarbong gamit, sanay ako. Mga pagkain kahit kukurampot lang pero mahal, ayos lang sa'kin ang gumastos. Kahit ang pagbili rin ng mga gamit na hindi ko naman alam kung saan gagamitin, pinapatos ko.






Ngunit magmula noong naghirap kami, hindi nila ako iniwan. Kahit wala akong maibigay pabalik, nandyan pa din sila. Sinamahan nila akong mag-grow. Nandyan sila noong namukat ako sa katotohanan ng mga ginagawa ni Dad. Nandyan sila noong naiwan akong mag-isa.







"Gusto niyo bang mag-bulalo muna?" tanong ni Rupert. Tumango naman kami pareho ni Jan.






Nag-stop over muna kami sa isang sikat na restaurant kung saan masarap ang Bulalo. Mabuti na lang at mabilis lang ang pila. Ang daming tao, kaya paniguradong masarap talaga dito.







"Alam mo ba Pert, kung nasaan specific na location si Clay?" tanong ko habang naghihintay noong order namin.






Ngumuso lang siya at umiling. "Ang sabi niya lang Batangas. Hindi ko sure kung saan. Kaya naisipan kong mag-stop over muna dito sa bungad ng Batangas, tapos tatawagan ko siya."








Nang dumating ang order namin, naging tahimik na kami dahil naka-focus sa pagkain. Ganito kami palagi kapag nasa hapag, e. Galit galit muna.








"Ay guys, pwede ba na bago natin puntahan si Clay, may dadaanan muna tayo?" tanong ko sa dalawa. Si Janelle, tumango. Samantalang si Rupert naman, binigyan ako ng thumbs up.





Maya-maya bigla na lang tumunog ang phone ni Rupert, hudyat na mayroong nag-text. Awtomatiko kaming napatingin sa gawi niya at lumapit nang sabay-sabay kay Pert para matignan kung sino iyon.








Clay:


Andito ako sa Nasugbu, Batangas. Majayjay Resort.











"Alam niya bang pupunta tayo?" tanong ko. "Ang alam niya, ako lang ang pupunta. Nasabi ko kasi na may kamag-anak kaming dinalaw ko around Batangas."








"Sa may Nasugbu, Batangas din 'yong pupuntahan natin. Sakto," sambit ko. First time kong dadalhin sila doon. Walang nakakalam na may naipundar na akong restaurant doon, at hinihintay na lamang ang pagpapaggawa nito.











Pagkatapos kumain, tumulak na kami patungong Nasugbu. Tinuro ko kay Rupert ang daan papunta sa restaurant na ipinatayo ko. Maya-maya lang nakarating na din kami.








Bumungad sa amin ang isang construction site na mukhang malapit na matapos. Finishing touches na lang sa building, mabuti na lang mayroon na ring furnitures kahit papaano. Iilang decorations na lamang ang kulang.








"Ano 'to, Air?" tanong ni Janelle habang papasok kami.








Isang garden restaurant ang ipinatayo ko. Bago ka makapasok, mayroon pang arko na punong-puno ng bulaklak. Sa parking area, mayroong fairy lights na maganda tuwing gabi. Kahit doon sa entrance at loob ng restaurant, mayroon pa ring mga halaman.








It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon