07

13 0 0
                                    

"Oh my gosh, Air! Ang ganda talaga ng boses mo. Super talented! Mana sa'kin."




Sinalubong ako ni ate Alie doon sa parking lot ng school. Hindi siya pumasok pero nakanood naman siya ng performance namin nila Clayton.



"Thanks, ate," ngumiti ako sa kanya. Abot tenga pa din ang ngiti niya kahit nasa loob na kami ng sasakyan.




"I'll treat you today. Ano gusto mo?" tanong ni ate sa'kin. Umakto naman akong nag-iisip.




"Street foods?" Ayon ang lumabas sa bibig ko. Kakain ko lang kahapon pero gusto ko ulit ngayon. Grabe kasi ang sarap!





"What? 'Wag na 'yon, Air. Diretso na lang tayo sa Japanese Resto malapit sa subdivision natin," sambit ni Ate.





Ngumiti na lang ako at tumango. Next time na lang ang street food, aayain ko si Clayton at ako naman ang manlilibre sa kanya.




Nang makarating kami sa isang Japanese restaurant ay inassist agad kami papunta sa VIP room. Nagtaka ako sa ganoong kabilis na panahon nakapagpa-reserve si Ate?





"Nakapagpa-reserve ka kaagad?" kuryoso kong tanong. Tumango siya. "Sinabi ko lang naman ang pangalan ko. I didn't know na dito tayo sa VIP room dadalhin."





Nagsimula na kaming umorder at maya-maya dumating na rin isa isa ang mga pagkain namin. Pumapalakpak pa si ate everytime may dadating na food. Excited much?




"Grabe I was craving these for days," anunsyo niya. Halata nga, ang dami niyang inorder. Sana kayanin naming ubusin ito.




"Can we have another katsudon?" tanong ko sa waitress bago umalis doon sa room namin.




"Sure thing, Ms. Alcantara. Are you willing to wait for 15 minutes? We are short in staff and we only have 2 cooks for the VIP. Inaasikaso rin po namin ang nasa kabilang VIP room."






"Ay bakit? Sino ba 'yong nasa kabila?" tanong ni Ate. I glared at her. Balak niya pa atang tarayan iyong waitress.





"Si Vice Governor Go po and some of his colleagues," tugon ng waitress. Tumango tango si Ate. "Si Vice Gov pala," komento niya.



"Alright. We're willing to wait for the katsudon. Thank you," sambit ko at ngumiti sa waitress.





Nang matapos na kami kumain ni Ate ay nag-iwan na kami ng bayad doon sa flip book na binigay ng waitress. Nagpaalam muna siya na magc-comfort room. Nauna na siyang lumabas sa'kin at maya-maya lang ay sumunod na.



"So you like Japanese cuisine, huh?" bungad ng nakasalubong ko. Kung sineswerte ka nga naman oh! Bakit nandito 'to?





"Uh, nilibre lang ako ni Ate. To congratulate me on my uh..performance." Hindi ko pa alam paano siya sasagutin.






"Oo nga pala, I think we're going to your—" ani Enzo ngunit ayoko na siyang pakinggan. Hindi ako makahinga sa tuwing nandyan siya.





"Sige, Pres. I have to go uh happy eating," sambit ko at tumakbo na papalabas.





"Para kang nakakita ng multo. Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Ate Alie habang inaayos pa rin ang buhok niya. "Wala. Tara na."






Nang makauwi na kami ni Ate ay wala pa rin si Mommy at Daddy. Nag-stay na lang muna ako sa kwarto at nanonood ng mga Korean Drama. Nahirapan akong makatulog dahil panay next episode ang ginawa ko. Kaya na-late na ako ng gising, mabuti na lang at Sabado ngayon.





It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon