"Aray! Dahan-dahan naman please."
Bumuntong hininga si Enzo. Mahina ko lang siyang tinawanan. Naalala ko tuloy 'yong sinabi niya kanina.
'Do you want me to take care of you?'
Sinadya ko tuloy ang pagdiin doon sa may sugat niya dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lakas talaga ng tama nito. "Huwag ka na kasing mang-trip, may sugat ka na nga e."
"Hindi joke iyon," tugon niya. Nagulantang ako syempre pero hindi ko pinahalata. Nakatingin lang ako sa kanya at ganoon rin siya.
Nahinto ang tinginan namin nang may tumawag sa phone ko. Nang makita ko na si Ate iyon ay agad kong sinagot.
[Asan ka?]
"Uh..Nasa..Nasa l-labas lang. Pauwi na rin ako," nag-aalangan kong sagot habang napatingin kay Enzo. Nagtataka rin siguro siya kung sino ang kausap ko.
[Sige, bilisan mo ah. Ang sabi ni Mommy dapat daw andito lang tayo sa bahay at huwag na muna lumabas.]
"Huh? Bakit daw?" tanong ko kahit natutunugan na ang nangyayari.
[Ah..Hindi ko al— basta ang sabi umuwi na daw.]
"Andyan ba sila?" tanong ko kay ate.
[Wala. Pero pagkauwi ko, nakasalubong ko pa si Mommy. Ayon lang ang inutos niya sa'kin.]
Mula sa drug store, nagmadali na akong umuwi. Gusto pa sana ako ihatid ni Enzo pero dahil may part-time job pa siya, hindi niya magagawa. Ayos lang naman din sa'kin, baka makita pa rin siya ni ate kapag hinatid niya ako. Hindi pa naman niya alam na nagkakausap kami ni Enzo.
"Mag-ingat ka, Air. See you around," ani Enzo at kumaripas na ng takbo dahil late na raw siya sa trabaho niya.
Nang makatapak ako sa street namin, kita ko na ka agad ang kumpol-kumpol ng mga tao sa harap ng gate namin. Panigurado mga media at reporter na ang mga iyon.
Naisipan kong dumaan sa kabilang kanto para hindi nila ako mapapansin. Bakanteng lote pa rin ang nasa likod ng bahay namin kaya malaya akong makakapasok doon. Mabuti na lang at may pintuan din kami doon para sa mga maid.
"Yaya! Pakisabi kina Mang Ricky paalisin na ang mga iyan. Walang silang makukuhang impormasyon sa'kin!" sigaw ni Ate Alie.
"Opo, Ma'am Ernalie."
"Mom? Mag-iingat po kayo dyan. Ako na ang bahala kay Air at sa bahay." Mukhang kausap ni ate sina Mommy sa phone. Nasaan na kaya sila?
Pinuntahan ko na kung saan ko narinig ang boses ni ate. Nasa may foyer lang pala siya. Naka white doll dress at oran hermes sandals.
"Ate, nasaan daw sila Mommy?" bungad ko na ikinagulat niya.
"They had to do s-something. Teka, how did you get in? Hind ko ba nakita ng mga reporters sa labas?" pagtataka niya. "Sa likod ako dumaan."
"Bakit may mga reporters, ate?" pagtatanong ko. Kunwari'y walang alam. Hindi dapat nila malaman na ako ang nagsabi kina Enzo na mayroong mga pulis na dadating.

BINABASA MO ANG
It Might Be You
أدب المراهقينEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...