36

11 0 0
                                    

"Wow! Na-miss ko ito!"



Binisita ko si Daddy ulit sa detention center. Ngayon, ako na lang ang bumisita kay Daddy. Mayroon kasing meeting sina Clay at busy rin sina Janelle at Rupert.




"Weh? Sure ba 'yan, Dad?" Nagdala kasi ako ng Adobo, first time kong magluto nito.



Nag-thumbs up si Dad sa'kin, hindi na siya makasalita dahil puno ng pagkain ang bibig niya. Natawa naman ako at binuksan na ang isang bote ng tubig para inumin niya.



"Magtitira pa ako para kay Clay, Dad. Panigurado magtatampo 'yon kapag hindi ito natikman," sambit ko at inilagay sa lunch box ang isang container ng adobo.



"Nako! Baka maubos ko ang sa akin at kuhain na lang ang Clayton," tugon niyang natatawa. Nag-pout naman ako sa sinabi ni Daddy. Ginulo niya ang buhok ko at tumawa.




Ngayon lang kami naging ganito ni Daddy. Dati sa hapag-kainan halos hindi kami makapag-usap. It's either business ang dapat na topic or ako lang mag-isa sa dining table dahil busy sila sa kaniya-kaniyang gawain.


"Kumusta naman ang trabaho ngayon?" tanong ni Daddy.




"Ayos lang, Dad. Nakakapag-ipon na rin po at tsaka ganoon pa rin naman ang gawain. Ako pa din po nagm-manage ng café branch, kami po ni Clayton."



"You kept on mentioning him, huh. Miss mo?" Binigyan ako ni Daddy ng makahulugang ngiti.



Nanliit ang mata ko at ngumuso sa kanya. Na-realize ko rin kasi na panay nga ang banggit ko sa kanya. Actually, hindi ko rin alam bakit.



"Do you like him?" kaswak na tanong ni Daddy. "I don't know, Dad," tugon ko.



Napatingin siya sa akin. "Does he like you?" Tumango ako.


"Umamin na siya?" gulat niyang tanong. "Kumusta naman? How is he towards you?"



"Dati na pala siyang sweet, ngayon ko lang po napansin. Akala ko dati normal lang po 'yon for him, magmula noong umamin siya nag-iba na pananaw ko sa mga kinikilos niya."



"And?" tanong ni Dad na para bang naghihintay pa ng ibang chichikahin ko.



"And he's sweet and caring..very sweet and caring," tugon ko. Napansin kong napangiti si Daddy.



"That kid must have endured for so long," ani Daddy. Kumunot ang noo ko. What does he mean?




"Alam mo, na-kwento na sa'kin ni Mang Rey na nakukutuban na niyang may gusto sa'yo iyon noong college pa kayo," panimula ni Daddy.






Nanatili lang akong nakikinig habang umiinom ng passion fruit tea, inorder ko ito kanina bago pumasok sa detention center.




"Actually, nang mai-kwento niya iyon kinilala kong mabuti si Clayton," aniya. Napakunot ang noo ko. Ang dami ko pala talagang hindi alam. "Kinilala, Dad? Don't tell me pinagimbestigahan mo po siya?"








"I'm sorry, anak. I just want to make sure na 'yong mga taong nakapaligid sa'yo ay malinis ang intensyon. I'm just being overprotective." Tumango-tango ako. I understand him.








"Kaya ayon, nagulat ako kahit si Mang Rey na ang naging boyfriend mo ay si Raiden. Naalala ko nga noon, nanghinayang siya. Torpe pala daw kasi ang manok niya," natawa si Dad, kahit ako rin. Nakakamiss naman si Mang Rey, lahat kasi sila ipinaalis na lang namin dahil hindi na talaga mabigyan ng sweldo noon.








"Mas naging kampante na rin ako kasi kilala ko ang pamilya ni Raiden. So, anak, if you're ready to open up to him, then go. Just don't force yourself, andito lang ako para sa'yo." Niyakap ako ni Dad. I hugged him back.





For the first time in my life, nakausap ko siya nang ganito. Iba rin pala ang feeling. I felt like I know his viewpoints a lot better.





Magmula noong nag-confess sa'kin si Clay, hindi pa ako nakakapagbigay sa kanya ng sagot. Hindi man ako sigurado sa nararamdaman ko ngayon, ang parte lang na sigurado ako ay alam kong ayaw ko siyang mawala. So I decided to tell him that today.








Pagkatapos dumalaw kay Dad sa detention center, napagdesisyunan kong pumunta sa mall. Naisip kong bumili ng regalo para kay Clay, para naman kahit papaano espesyal ang dating. Napadaan ako sa perfume shop, naakit ako noong mga mababagong scent kaya pumasok na ako sa store at bumili ng regalo.








"I would go for the wood sage and sea salt scent, please. Thank you," sambit ko doon sa SA. Nag amoy-amoy pa ako ng ibang scent habang kumukuha siya ng stock.








"Napapadalas ata 'yong pagkakasalubong natin ah." Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko, pamilyar kasi ang boses.








"Enzo..Ah-I mean, sir Enzo," sabi ko at awkward na napangiti. Naalala ko ulit iyong napag-usapan namin noong nakaraan.





"I hope I gave you the time to think now, Air. So, please, can we talk?" tanong niya. Nahihimigan ko na ang pagkaseryoso niya. Pumayag na rin ako, we need this closure after all.





Para sa kanya, this may be a form of my acceptance. But for me, this conversation will finally put an end to our relationship. Ngayon ko napatunayan na may mga tao talagang dumadaan lang sa buhay natin and hindi talaga meant na mag-stay sila. That they will serve as an instrument to help us grow.


"My marriage was fake, Air. May boyfriend si Gillian and they are so happy together. At ako, I'm happy with you."





"Air..after you kicked me out of your own misery, I lived on my own. It pains me to live on my own misery, Air," aniya at tinakpan ang mga mukha.





Napalingon ako sa paligid, mabuti na lang at wala masyadong taong dumadaan dito sa parte ng mall. Sarado pa kasi ang ibang shops na nakapaligid dahil kabubukas pa lang ng bagong part na ito ng mall.








I looked at him with worried eyes. Why are you making things complicated, Enzo? Hindi ba pwedeng, masaya ka na sa lovelife mo? At masaya na ako sa buhay ko?








"Can't you invite me to your own misery, again?" tanong niya. I was stunned. Hindi ba may Gillian na siya? They were so happy. They are so happy.





"Hindi mo ba naisip na baka ganoon talaga 'yon? I should live by my own misery and you should live yours. We became two different people, Enzo. Let's stop now, we should let this go," bumuntong hininga ako.





"I can't, Air. Please come back to me again, my..love." Pilit niyang inaabot ang kamay ko. Marahan ko lang iyong inaalis.





"You can, Enzo. You have to. I'm really sorry," tugon ko. Nakita ko naman ang pagtango niya. Alam kong hindi naman rin niya ipipilit, he knows how to respect someone's decision. I appreciate him for that.








Hinintay ko na mahimasmasan muna siya bago kami tumungo sa basement kung nasaan ang sasakyan niya. Ayoko naman iwan na lang siya doon kanina habang miserable. Ihahatid ko lang naman siya at kaya ko naman mag-commute pauwi, may bibilihin pa rin kasi ako.








"You can do it, Enzo," sambit ko bago niya isara ang pintuan ng sasakyan. Hindi na siya nagsalita, tumingin lang siya sa'kin at bahagyang ngumiti.











"Air, what are you doing here?" Nagulat ako ng makita sina Janelle at Rupert na kababa lang sa sasakyan. Magkatapat lang pala ang sasakyan sila. Kitang-kita ko ang disappointment sa mukha ni Janelle.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon