"Finally, Serene! Nice to meet you."
Nagulat ako nang yakapin ako ng Mom ni Clayton. Ang Dad naman niya ay panay ang ngiti nang pagmasdan kami at tinapik pa ang balikat ni Clay.
"Happy birthday po. Pasensya na wala po akong dala na regalo, biglaan po kasi," nahihiya kong sambit. Ako ata ang may birthday dahil ako ang na surprise.
"Ayos lang, hija. Ang mahalaga nakita na kita ngayon..Ay nakalimutan ko pala magpakilala! I'm Charlene, Mama ni Clay."
"Nice to meet you po, Mrs. Gamboa. Happy birthday po ulit!" sambit ko. "Nako! You can just call me Tita, kahit nga Mama na rin ayos lang."
"Ma!" nagulat na sabi ni Clay. "Nakakahiya po kay Serene," dagdag niya sabay kamot sa ulo.
"Hi, Serene! We've heard a lot of stories about you. I'm Carlson, papa ni Clay," ani Mr. Gamboa at inilahad ang kamay sa'kin. Tinanggap ko naman iyon at nag shake hands kami.
"Nako! Sana po good stories ang kine-kwento ni Clay," natatawa kong sabi. Pero sa totoo lang kinakabahan ako, baka mamaya kine-kwento niya na palagi ko siyang inaagawan ng pagkain!
"Happy birthday, tita! Ano pong handa natin dyan?" tanong ni Janelle. Nagtawanan nanaman kami. Kagagaling lang namin sa Cafe, gutom nanaman siya.
Ngayon lang ako nakapunta sa bahay nina Clay, at ngayon ko lang nakilala ang parents niya. It feels new and nostalgic at the same time. I-I suddenly miss my family.
Hanggang ngayon, nasa detention center pa rin si Daddy. Paminsan-minsan ko lang siya nadadalaw, busy kasi ang schedule. Minsan kasama ko sina Clay, minsan ako lang din mag-isa. Mabuti na lang at kinaya kong harapin na si Dad kahit mag-isa lang. Nagkaayos na rin naman kami kahit papaano.
"Air! Gusto mo coffee jelly or buko pandan?" tanong ni Rupert habang hawak-hawak ang isang baso.
"Coffee jelly," sabay na sagot namin ni Clay.
Nakita kong umirap si Rupert. "Air nga diba, Clayton? Kulit mo rin eh!" Hanggang sa nagsuntukan nanaman sila nang pabiro. Madalas nilang ginagawa iyan, parang mga teenager lang.
Naging abala na ang family ni Clayton sa pag-entertain ng iba pa nilang bisita. Kami naman nina Jan at Rupert ay nandito lang kami sa labas ng bahay nila at hindi na nahiyang mag-karaoke. Nag-arkila kasi sila ng tent, karaoke, lamesa at mga upuan para sa celebration.
Oo, sinumulan na namin. Pinilit rin ako nitong mga 'to. Hangga't sa maya-maya nagkantyawan na sila na pati si Clayton ay makisabay.
"Ano pwedeng kanta?" tanong ni Clay sa'kin. Sandali ako nag-isip. Naisipan kong pwedeng kantahin ang 'Isn't She Lovely' para kay Tita Charlene.
"Isn't she lovely. Isn't she wonderful. Isn't she precious. Less than one minute old. I never thought through love we'd be. Making one as lovely as she. But isn't she lovely made from love."
Nagpalakpakan sila nang matapos na kami kumanta ni Clay. Napansin ko pa ngang parang naiiyak si Tita Charlene at si Tito Carlson naman nakaakbay sa kanya at natatawa.
"Happy birthday po ulit, Tita!" Niyakap naman niya ako. "Salamat, anak."
"Charlene! Ito ba ang girlfriend ni Clay? Bagay na bagay sila ah! Pareho pa magaling kumanta," sambit ng isang babae na kamukha ni Tita Charlene.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
Genç KurguEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...